Maging Matagumpay sa Pagpapapayat

Ang pagbabawas ng timbang o pagpapayat ay hindi simpleng dieting lamang. Sa kabuuan, ito ay ang paggawa ng ilang maliit na pagbabago na maaaring maghatid ng malaki at mahalagang pagkakaiba sa ating buhay. Mga pagbabago na hindi natin makukuha lamang sa madaliang panahon, lalo pa’t hindi natin nakasanayan. Upang maisagawa ito, dapat tayong magkaroon sa ating sarili ng masidhing kagustuhan o motivation na maabot ang gusto nating resulta.

            Hindi lamang ang ating timbang ang dapat nating isaalang-alang. Ang pinakamahalaga rito ay ang pagkakaroon ng isang healthy lifestyle na nakadepende sa isang balanseng pagkain at pisikal na gawain. Ito ang unang kundisyon para sa mahaba, malusog at matiwasay na buhay.

            Narito ang limang habits upang maging matagumpay sa pagbabawas ng timbang.

1.     Bawasan ang calorie intake 

            Unang dapat tandaan na katumbas ng pagpapayat ay ang pagbabawas sa mga pagkaing nakaugalian na nating kainin. Ngunit hindi ito nangangahulugan para sa isang istrikto, nakakapagod at walang saysay na diet. Upang makaiwas sa labis na calorie intake, subukang kumain ng kakaunti lamang. Kung hindi pa nabusog at gutom pa, maaaring kumain muli ng kakaunti pa rin. Sa simula’y maninibago ang ating tiyan, ngunit kalaunan, masasanay rin ito sa mga kakaunting pagkain na ipinapasok natin sa ating tiyan.

            Mahalagang tandaan ito lalo na kapag kumakain sa labas. Ang mga pagkain sa restaurant ay may mas mataas na calories, higit sa pangangailangan ng katawan. Maaaring magkasya na sa pagkain ng salad at appetizer lamang kaysa sa ubusin ang buong meal. Huwag makonsensya kung may natira sa iyong pinggan.

2.     Don’t skip Meals 

            Maaaring isipin na ang di pagkain ay isang paraan sa pagpapayat. Ngunit alam ba ninyo na pinababagal lamang nito ang metabolism o pagtunaw ng katawan sa pagkain. Dahil dito, nabubuo bilang mga body fats ang mga pagkain at naiimbak bilang lakas at energy ng katawan. Makabubuting sundin ang tatlong beses na pagkain araw-araw at iwasan nang kumain pagkaraan ng 8pm.

3.     Kumain nang mabagal at ienjoy ang bawat kagat. 

            Napatunayan sa mga pag-aaral na sa pagkain nang mabagal, kaunting calorie lamang ang ating nakokonsumo. Humigit-kumulang sa 20 minuto ang kailangan upang malaman ng ating utak na tayo ay busog na. Kung kakain nang mabilis, may posibilidad na maparami ang ating makain bago pa mabasa ng utak na tayo ay busog na. Sa pagkain din nang mabagal mai-enjoy natin ang bawat kagat at ang lasa ng pagkain at hindi kung gaano karami ito.

4.     Uminom nang sapat na dami ng tubig.

            Mahalaga ang tubig sa kabuuan ng weight-loss process. Kailangan ang sapat na tubig upang mailabas ang mga dumi at lason sa katawan na nakapipigil sa matagumpay na pagpapayat. Ang kakulangan sa tubig ay makapagsasabi sa ating katawan na ito ay gutom at maaaring makaapekto sa metabolism ng katawan. Isa pang kabutihan, ang tubig ay nakabubusog at nakaaalis ng pakiramdam ng gutom. Walong baso ng tubig isang araw ang inererekomendang sapat na dami.

5.     Mag-ehersisyo

            Huwag kalimutan ang page-ehersisyo upang maging matagumpay ang pagpapayat. Team sports, aerobics, swimming, cycling, running at ang simpleng paglalakad ay ilan lamang sa mga mabisang paraan. 

Join us on Facebook

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here