PAANO MAGKAROON NG MAGANDA AT MALAMBOT NA BUHOK

Kung Isa ka sa mga hindi nabiyayaan ng magandang buhok o kaya naman nasira na ang iyong buhok dahil sa mga dinadanas nito gaya ng pag kukulot, pag sstraight ng buhok, pagkukulay rito, sa pulusyon at marami pang iba. Kaya naman narito kami upang tulungan kang ibalik ang ganda at sigla ng iyong buhok.

1. GUMAMIT KA NG OLIVE OIL    Ang olive oil ay tumutulong panatilihing maganda, malambot at malakas ang iyong buhok. Napakarami nitong benipisyo sa iyong buhok kaya naman karaniwan itong ginagamit sa mga hair products gaya ng shampoo at contioner. ang mainit-init na olive oil sa loob ng ilang minuto. I-cover ang iyong buhok gamit ang shower cap o tuwalya at hayaan ito ng 30 hanggang 45 minuto. Pagkatapos ay gumamit ng shampoo upang malinis ang natitirang olive oil. Gawin ang hair care treatment na ito dalawang beses sa isang linggo upang maging healthy ang iyong buhok.

2. COCONUT OIL       Ang coconut oil ay makakatulong rin upang ibalik ang ganda ng iyong buhok dahil sa restoring power nito. Ginagamit ito lalo na kung ang iyong buhok ay nasira dahil sa pagsstyle at pagkukulay rito.Epektibo rin ito sa mga chemically-treated na buhok tulad ng rebond. Ang hydrophobicity na matatagpuan sa langis ng buko ang dahilan kung bakit mahusay itong pampaganda ng buhok.

Masahiin ang iyong anit ng mainit-init na coconut oil bago matulog. Kinabukasan, gumamit ng shampoo at banlawaan. Gawin ito 2 hanggang 3 beses sa isang linggo.

3. IWASAN ANG PAMAYAT MAYANG PAGSUSUKLAY           Maganda naman ang oagsusuklay dahil makakatulong ito upang pagandahin ang sirkulasyon ng dugo sa ating anit ngunit makakasira sa buhok ang madalas na pag-brush dito at magreresulta sa split-ends at buhol-buhol na buhok. Iwasan din na i-brush ang basang buhok dahil madali itong masira kapag basa at gagawin lang nitong brittle at mahina ang buhok. Gumamit ng wide-tooth na suklay para alisin ang mga buhol ng basang buhok.

4. IWASAN ANG PAGKUKULAY AT PAGGAMIT NG INIT UPANG MAGAYOS NG BUHOK      Ayusin ang buhok sa mga natural na paraan para maiwasan ang styling damage sa buhok. Iwasan ang madalas na pag-perm, pag-straight, pagbleach, at iba pa. Iwasan ang paggamit ng rubber band dahil sumasabit at napuputol ang buhok dito. Iwasan ang mga hairstyle na masyadong nababanat sa pagkakatali ang buhok dahil nakakasira ito sa roots at nagbibigay stress sa follicles.

5. IWASAN ANG INIT           Maligo nang malamig na tubig. Ang pagpapaligo ng mainit na tubig ay makapagpapatuyo ng buhok at maaaring magdulot ng mga buhol na maaaring mauwi sa pagkasira ng buhok.

Maraming salamat sa inyong pagbabasa at sana ay makatulong sa inyo ang arikulong ito

Join us on Facebook

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here