Malas ang boyfriend

Dear Maria,

Mahal ko ang boyfrond ko pero may dala siyang kamalasan sa aking buhay. Dapat na ba akong makipaghiwalay sa kanya?  – Abi

Abi,

Talaga nga bang may dala siyang kamalasan sa’yong buhay o baka naman sinasabi mo lang malas siya para sabihin ko sa’yong, sige iwanan mo na siya. Okay, kung iyon ang gusto mong marinig, sasabihin ko sa’yong iwanan mo na siya. Baka nga talagang wala siyang mabuting ibibigay sa’yo kundi kamalasan.

Eh, ano ba naman kung mahal mo siya? Isang araw naman ay magagawa mo siyang kalimutan. Ang importante, susuwertehin ka. Makukuha mo ang lahat ng gusto mo. Baka nga makatago ka pa ng Prince Charming. Iwanan mo na siya at siguradong darating ang araw na mabubuhay ka ring maligaya.

O, anong naramdaman mo? Nakumbinse na ba kita? O baka naman may sakit kang naramdaman na naisip mong hindi mo rin makakayang mabuhay ng wala siya. Kung ganoon, baka magsisi ka lang sa huli. Kaya nga lang, may mga tao nga talagang ipinanganak ng malas at kung mananatili ka sa kanyang piling, madadamay ka lang sa kanyang kamalasan.

Kaya, pag-isipan mo rin ng maigi ang dapat mong gawin.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here