“Ehersisyo, Kailangan ng Ating Katawan”

Alam naman natin ang importansyang dulot ng palagiang pag eehersisyo para sa ating kalusugan. Subalit kadalasan, nananaig ang ating katamaran, pagod at pagkahumaling sa makabagong teknolohiya. Madalas pa, naibabaling natin sa pagkain ang ating oras at panahon na pwede sana nating ilaan sa pag eehersisyo. Mahalagang malaman at maisaisip natin ang mga benipisyong dulot ng pag eehersisyo upang maging motibasyon natin ito.

1.) Pinapataas nito ang level ng ating enerhiya at  pinapalakas ang ating mga kalamnan.

2.) Nakakatulong ito upang magbawas o mapanatili ang ating timbang.

3.)Tumutulong ito sa wastong pag gana ng ating utak at tumutulong  sa paghina ng isip na maaaring mauwi sa Alzheimer’s disease.

4.)Nakakapagpalakas  ng immune system ang palagiang pag eehersisyo.

5.)Nakakapagpababa ito ng LDL(bad cholesterol) at nakakataas ng HDL(good cholesterol).

6.) Gumaganda ang tulog kapag ikaw ay nakakapag ehersisyo na nagreresulta ng pagkakaroon ng magandang mood.

7.)Ang pagiging fit  ay nakakapagpabagal ng ating pagtanda.

Mayroong dalawang kategorya ang pag eehersisyo.

A.Moderate Intensity Exercise.

Mga halimbawa nito ay:

1.Brisk walking- 100 hakbang bawat minuto.

2.pagsayaw/dancing

3.swimming/aqua aerobics

4.mabagal na pag bibisiklita

B.Vigorous Intensity Exercise

Mga halimbawa:

1.Pagtakbo/Running

2.Mabilisang paglalakad

3.Competitive sports gaya ng basketball o football.

4.Luksong lubid/Jumping rope.

Ngayong batid mo na ang mga benipisyong dulot ng pag eehersisyo, bangon na at umpisahan ng magpapawis. Kahit  30,15, 10 o 5 minuto lang yan,   malaking impact na ang naibibigay   nyan sa iyong kalusugan. Isipin na lang natin, 5 minuto ay mas mainam keysa 0 minuto.

Join us on Facebook

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here