7 Tips Paano Maging Matapang Habang Niloloko Ka ng Partner Mo

Niloko ka na ba? Nagawa ka na bang gamitin ng isang tao dahil masyado siyang selfish at conceited? Basahin ang article na ito at matuto nang mabuti.

Ayon sa Google, ang ibig sabihin ng “courage” ay “strength in the face of pain or grief”. Hindi mo man mahanap ang lakas ngayon para harapin lahat, tutulungan kita kung paano maging matapang sa kabila ng lahat ng masasamang nangyayari sa buhay mo. Magtiwala ka lang, dahil hindi mo kailangan maging bayolente at masama. Maaari kang maging matapang at mabait all at the same time. Read these tips para malaman mo paano maging matapang kahit niloloko ka ng partner mo.

1. Stay calm and composed

Ito ang i-praktis mo kahit sa ibang sitwasyon sa buhay mo. Huwag kang matatakot maging matapang sa ganitong paraan. Kapag may grace under pressure ka, mas matutulungan mo ang sarili mo na harapin ang mga problema mo nang hindi stressed, takot at overly emotional. Kapag kalmado ka, hindi ka magiging confrontational sa partner mo na niloloko ka.

2. Maging neutral ka

Subukan mo ang best mo na ilayo ang nararamdaman mo sa sitwasyon, para mas magamit mo ang utak mo sa pag-assess kung ano ang nangyari sa inyong dalawa. Huwag kang maging biased agad na manloloko lang talaga ang partner mo. Look into the situation and see what happened between the two of you.

3. Talk to your partner privately

Hintayin mo ang right time at kapag naka-ipon ka na ng evidence, talk to him in person and ask him the questions you want to ask. Don’t be afraid to be honest about how you feel. Let him know that you are confused and you need him to explain to you what happened.

4. Maging patient sa paghihintay ng explanations niya

Huwag mo siyang i-pressure na magsalita. Always show him that you are patient with him and you love him no matter how painful it is. Let him know that you just want him to be honest with you.

5. I-evaluate mo ng mabuti ang kanyang sagot sayo

Kung ano man ang sasabihin niya, tingnan mo itong mabuti at i-filter mong mabuti ang mga kasinungalingan at katotohanan.

6. Kausapin mo ang pinang-loko niya sayo, pero wag mong awayin

Again, be calm. Huwag kang matakot na harapin siya at sabihin sa kanya na nakasakit siya. Kung magiging masama ang response niya sayo, tell her that you forgive her and you will pray for her genuinely.

7. Let go if you must

Kung tingin mo ay oras na para i-let go ang partner mo, go ahead. Basta siguraduhin mo na magkaroon kayo ng closure. Kausapin mo siya ng mabuti na hindi na nagwo-workout ang relationship niyo at kailangan ninyo na itong tapusin.

Join us on Facebook

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here