PAANO MAGKAROON NG MALAMBOT NA PAA

Ang ating paa ay napakaraming dinadanas sa bawat araw. Ito ang ginagamit natin panlakas,upang makatayo at naghihirap pa ito at laging nakakulong msa mga hindi kumportableng sapatos at nagiging dahilan ito upang maging dry at makalyo ang ating paa. Ngunit wag kayong magalala dahil narito naman kami upang tulungan kang ayusin at pagandahin ang iyong paa.

  • ALISIN ANG MGA PATAY NA BALAT SA ATING PAA

Ang regular na pagtatangal ng kalyo at mga patay na balat sa ating paa ay makakatulong upang panatilihing malambot at kaayaya ang ating paa.  Maari mo itong gawin araw-araw pagkatapos mo maligo. Maari kang gumamit ng panghilod o foot file sa iyong paa,mas bigyang pansin ang ilalim ng paa.

Mas mabilis at makakatulong alisin ang iyong kalyo at mga patay na balat sa iyong paa kungibababad mo muna ito sa tubig kaya maganda itong gawin pagkatapos maligo. Kung hindi mo pa ito nagagawa rati ay mas matatagalan upang maging maganda ang iyong paa.

PANATILIHING MOISTURIZED ANG IYONG PAA

Di gaya ng ilang parte ng iyong katawan ang iyong paa ay walang kakayahang panatilihin ang kaniyang sarili na moisturized. Makakatulong upang panatilihing malambot ang iyong paa sa pamamagitan ng paglalagay ng lotion o cream dito kada araw.

Maganda itong gawin pag katapos ng step 1 o kaya namn pagkatapos mong maligo.

  • GUMAMIT KA NG PETROLEUM JELL UPANG PALAMBUTIN ANG KUKO SA PAA

importante rin ang iyong kuko sa paa. Kung nais mo ng magandang paa kailangan mo ring alagaan ang iyong mga kuko kaya naman lagyan mo ito ng petroleum jelly bago ka matulog.

  • HUWAG IBABA ANG IYONG PAA SA MAINIT NA TUBIG

Ang mainit na tubig ay hindi maganda para sa iyong balat at  ang mga maiinit na temperatura ay nagiging dahilan upang maging dry ang ating balat. Kaya naman kung ibababad mo ito ayos na ang room temperature o kaya naman ay malamig na tubig.

  • ALAGAAN ANG IYONG PAA

Upang panatilihin itong malambot kailangan nito ng regular na pagaalaga maari mo itong lagyan ng mask at lagyan ang iyong paa ng moisturizer.

Maraming salamat sa inyong pagbabasa at sana ay nakatulong sa inyo ang artikulong ito.                                                                                                                                                   

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here