Hindi mo na ipagsasawalang bahala ang oregano kapag nabasa mo ito!

Ang oregano ay kadalasan nating makita na tanim ng ating kapit bahay lalo na sa mga matatanda, ito ay dahil napaka bisa nito pang gamot lalo na sa mga karaniwang sakit gaya ng ubo at sipon. Di maikakaila ang galing at benepisyong naibibigay nito ngunit nais lamang naming palawakin ang iyong kaalaman ukol sa oregano.

  • KAGAT NG INSEKTO

Dahil nga ang oregano ay mayroong antibacterial at healing properties mabisa itong gamitin sa mga kagat ng insekto .Ipinangtatapal din ang dahon na bahagyang dinikdik sa bahagi ng katawan na apektado ng kagat ng insekto, at tusok ng alupihan at alakdan.

  • MASAKIT NA LALAMUNAN

Kung masakit ang iyong lalamuna ay agapan mo ito ng oregano dahil sa antibacterial properties nito mabisa itong panggamot sa mga sakit na dulot ng bacteria.

Ang pananakit ng lalamunan dahil sa sore throat ay maaaring matulungan ng paglunok sa pinaglagaan ng pinatuyong dahon ng oregano.

  • PANANAKIT NG TENGA

Karaniwan itong problema para sa mga bata ang pananakit ng kanilang tenga na marami ang maaring maging dahilan. Madali lamang itong sulusyunan ng oregano ang gawin mo lamang ay kumuha ng ilang dahon nito at dikdikin, pagkatapos ay ihiwalay ang katas nito at itulo ng ilang beses sa tenga ng taong masakit ang tenga.

  • PANGGAMOT SA UBO

Maaring kilala mo na oregano dahil sa galing nito sa paggamot sa ubo kaya naman karaniwan itong ginagamit sa mga gamot na mayroong kinalaman sa sakit na ito, ang gagawin mo lamang ay dikdikin mo ang dahon ng oregano saka kolektahin ang katas nito mainam kung painitin mo muna ito bago inumin upang humilod ng mabuti sa lalamunan.

  • PANGGAMOT SA PIGSA

Ang pigsa sa balat ay matutulungan naman ng pagtatapal ng dinikdik na dahon ng oregano. Ginagawa ito ng apat na beses sa isang araw.

Maraming salamat sa inyong pagbabasa

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here