6 Rason Bakit Nawawala ang Pagmamahal Kahit sa Masasayang Couples

May mga couples na tingin natin ay match made in heaven. Sila yung mga nasasabi nating #CoupleGoals, hanggang sa maririnig mo na lang isang araw na naghiwalay na sila pagkatapos ng ilang taong pagsasama. Syempre maco-confuse ka, dahil noong huli mo silang makita, okay naman sila.

May mga relationships talaga na kalmado sa labas, at hindi naman necessarily magulo sa loob, pero hindi ibig sabihin noon ay walang mali sa kanila. Kailangan natin tanggapin na may mga relationships talagang hindi tumatagal. So kung ganito, ano nga ba ang rason ng mga akala natin ay perfect relationship tapos biglang magbe-break na lamang sila?

Basahin ang mga rason na ito at tingnan kung makaka-relate ka:

1. Hindi na sila katulad ng dati, in a bad way

May mga couples na hindi na nila natanggap ang differences ng bawat isa. Oo, change is inevitable sa kahit saang relasyon, pero kung hindi mo na nasasabayan ang partner mo sa changes na ito, mahihirapan kayong humabol pag lumipas na ang panahon.

2. May mga issue sa nakaraan na hindi na nila naresolba

Hindi na talaga dapat nag-uungkat ng mga issue sa nakaraan, pero dapat ay noon pa lang ay naresolba na ito. Wala dapat shorcut sa mga problema, kaya dapat ay napag-uusapan lahat. Kapag hindi, mas magiging problema ito sa future.

3. Hindi na natutugunan ang pangangailangan ng bawat isa

Kapag hindi natutugunan ang problema ng isa’t isa, mas nagiging selfish at nawawala ang partnership. Kapag nawawala ang partnership, nawawala ang pagmamahal dahil parang nagiging magkakilala na lang ang couple, imbes na magkakampi sa kahit saan.

4. Hindi na sila synchronized

Kapag may partner ka, para kayong nagsasayaw at sabay sa lahat ng nangyayari sa paligid ninyo. Hindi kayo magkalayo ng isip at puso, dahil may mga goals na kayo together. Hindi ninyo na iniisip yung mga maliliit na bagay dahil mas importante na ang mga plano ninyo sa buhay. Sadly, hindi lahat ay ganito. May mga couples na nawawala na ang spark sa isa’t isa at hindi na sila synchronized dahil marami silang distractions at mas importanteng priorities.

5. Naging malabo na ang goals nila together

Nafo-fall out love ang couples kapag nakikita nilang wala na silang goals na shine-share sa bawat isa. Napakahirap nito dahil parang nasa dead end na sila at wala nang patutunguhan. Kung gusto pa ng couple na ayusin ang relasyon nila, mas mabuti na isipin nila ulit ang plans at goals nila together. Dapat ay mag-set sila ng long term at short term goals.

6. Wala nang effort sa pareho para ayusin ang relasyon

Hindi talaga maaayos ang isang bagay na pinapabayaan na lamang. Kung nakikita nang bawat isa na wala nang dapat ayusin at dapat ay mag-move on na lamang ang bawat isa, ibig sabihin ay wala na ngang option kundi maghiwalay. Malungkot ito, pero hindi necessarily kelangan na ganito rin ang gawin mo sa partner mo. Kung gusto mong maging maayos ang relasyon ninyo, basahin mo ulit ito at isipin mo ano ang mas tamang gawin.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here