SOLUSYON SA PAGKAPANOT

Marami ang mga maaring maging sanhi ng pagkapanot, epekto ng pagtanda, genes, stress at marami pang iba, karamihan ito ay problema ng mga lalaki. Malaki ang epekto nito sa kumpyansa natin sa ating sarili kaya naman nais natin itong masulusyunang ka agad. Narito ang mga payo at kaalamang nakalap namin.

  • SURGERY

Kung gusto mo ng mabilisang sulusyon maari kang magpa surgery mayroong dalawang uri ng surgery para sa pagkapanot ang Hair transplant at Scalp reduction. Ang hair transplant ay pamamaraan ng pag-alis ng mga maliliit na plugs sa balat na naglalaman ng konting buhok mula sa likod o gilid ng iyong anit. Ito ay ini-implant sa kalbong bahagi ng iyong anit samantalang ang scalp reduction naman ay Ito ay ang pag-alis ng ilan sa mga kalbong bahagi ng iyong ulo at ang pagsarado nito gamit ang anit na may buhok.

  • GAMOT

Maraming mga gamot na ang naimbento upang masulusyunan ang pagkapanot ngunit kung medikal ang paguusapan at iyong mga ginagamit talaga ng doktor para rito narito ang ilan:

Minoxidil Ito ay likido o foam na nilalagay sa iyong anit dalawang beses sa isang araw para matigil ang pagkawala ng buhok at Finasteride Ito ay iniinom na gamot para sa mga lalaki. Mas maiging kumunsulta ka sa doktor kapag gagit ng mga produkto o gamot .

  • SIBUYAS

Maaari kang gumamit ng sibuyas para sa iyong hairloss.Pinapataas nito ang blood circulation sa ating scalp kaya napapabilis ang pagtubo ng buhok. Maari mong  dikdikin ang sibuyas hanggang sa maging paste consistency ito at ilagay sa iyong anit ng 10 hanggang 15 minuto saka banlawan.

  • CARROTS

Ang karots (carrots) ay mabisa ring panggamot ng hairloss.Taglay ng carrots ang beta-carotene na nagpapa-healthy sa hair folicles na tinutubuan naman ng buhok. Pinapatibay at napapaganda din ng carrots ang buhok. Dikdikin mo ito hanggang sa maging paste consistency ito at ilagay sa iyong anit maari mo rin itong haluan ng olive oil upang mas maging epektibo ilagay sa anit ng 20 hanggang 25 minuto bago banlawan.

  • BUTO NG CALAMANSI AT PAMINTA

Ang buto ng kalamansi at paminta ay mayaman sa Vitamin C at anti-oxidant. Nakakatulong daw umano ito upang pagtibayin ang hair strands at hair folicles. Sa mixture, dapat ay katamtaman lamang ang dami ng pepper para ‘di matapang.

Maraming salamat sa inyong pagbabasa at sana ay may natutunan kayo sa artikulong ito.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here