PAANO MAALIS ANG BILBIL

Lahat ng tao ay may bilbil hindi nga lang malaki sa iba. Sa ating kaalaman ay matataba lamang ang meron nito ngunit maging ang mga payat ay mayroon din nito dipende kasi ito sa iyong diet at lifestyle. Maari itong makaapekto sa ating kunpyansa sa sarili minsan ay nililimitahan rin tayo nito kaya naman ay narito kami upang tulungan ka.

  1. EXERCISE

Ang pageehersisyo ay nakakatanggal ng taba pati na ang taba mo sa tyan. Kailangan mo lamang maglaan ng 30 minuto sa bawat limang araw ng linggo. Maari kang mag jogging o ano pa mang exercise basta ito ay makakapag pahingal sa iyo pawis at itaas ang tibok ng iyong puso.

Upang mas mapabilis ang epekto sa mas kaunting oras maari kang magehersisyo ng matindi ng 20 minuto sa bawat 4 na araw ng isang linggo.

2. PAGKAIN

Hindj mabilis maalis ang bilbil. Ngunit kapag magbabawas ka ng iyong timbang , kadalasan ay nauunang maalis ang bilbil.

Makakatulong ang pagkain ng putahing mayaman sa fiber nakakatulong ito upang mabawasan ang iyong taba sa tiyan at tinutulungan ka pang magkaroon ng mas matagal na busog na pakiramdam. Ilan sa mga pagkaing ito ay green peas, tinapay at mansanas.

3. TULOG

Ang pagkakaroonng magandang tulog ay makakatulong rin. Ayon sa isang pagaaral ang mga taong may maayos na tulog ay mas maliit ang tiyan kaysa sa mga taong kulang sa tulog.

4. STRESS

lahat naman ay nakararanas nito ngunit ang mahalaga ay kung paano natin ito hinaharap. Magandang mag exercise ka at magkaroonng relaxing time. Alagaan ang sarili at hayaan ang sariling magrelax paminsan minsan.

TANDAAN

Hindi mahalaga ang itsura mo ang mahalaga ay masaya ka rito at kumportable ka rito nasasaiyo kung kaya mo bang dalhin at ipagmalaki sa mundo ang hugis mo .

Maraming salamat sa inyong panonood at sana ay makatulong sa inyo ang artikulong ito

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here