BENEPISYO NG MALUNGGAY

Ang malunggay ay isang uri ng halaman na makikita sa Northern India na maaari rin makita sa tropical at sub-tropical na lugar, tulad nalang sa Asya at Africa. Ang medisinang ito kasama na ang ugat, dahon, bulaklak, at buto nito ay ginagamit na mula pa nung unang panahon.

  • NAKAKAPAGPALAKAS

Siksik na siksik sa bitamina ang malunggay.Dahil sa hitik ito sa vitamins at sustansiya, nakakapaglalakas ito ng katawan lalo sa mga bata, na kailangang ng source of energy dahil sa pagiging aktibo ng mga ito. Mayron itong taglay na protein na doble pa sa gatas, potassium na higit pa sa makukuha sa saging, Vitamin A na higit pa kaysa sa carrots, at Vitamin C na pitong beses pang higit kaysa sa oranges.  Kaya naman nkakatulong itong magpatibay ng immune system at labanan ang mga common bacteria.

Mayaman din ito sa calcium, kaya’t rekumendado na kainin o higupin ang sabaw nito ng mga nanay na nagpapasuso ng kanilang sanggol, para mas maging hitik sa bitamina ang gatas ng ina.

  • NAGPAPAGALING NG SUGAT

Likas ang kakulitan at kalikutan ng mga bata, kaya karaniwang nasusugatan o nagkakapasa ang mga ito. Subukang gumamit ng malunggay powder sa mga sugat, para mas madaling gumaling ito. May mga nagtatapal din ng pinakuluang dahon nito, sa mga sugat, pasa, rashes at iba pang skin irritation dahil epektibo din itong gamot. Mayaman kasi sa vitamin A, C at E ang malunggay kaya’t nakakatulong ito sa kalusugan ng ating balat. Ito kasi ay may anti-bacterial at anti-fungal properties.

  • PAMPAKINIS AT PAMPAGANDA NG KUTIS

Mapapansin ang kagandahan ng kutis kapag madalas kumakain nito. Ginagawa itong paste para ipahid sa balat. Di na kailangang gumastos si Mommy para sa mamahaling skin care products. Dikdikin lang hanggang maging paste o cream, at ihilamos sa mukha o ipahid sa katawan, lalo sa mga tuhod at siko.

  • MABISANG PAMPAGANDA NG BUHOK

Mayaman ito sa mga bitamina at amino acids na nakakatulong sa pagkakaron ng keratin protein, na isang pangunahing bahagi ng pagkakaron ng malusog at magandang buhok, at mabilis na paghaba at pagtubo nito. Dagdag pa dito ang mabisang panlaban nito sa pagkakaron ng balakubak, lalo sa mga bata.

  • MAKAKATULONG SA METABOLISM

Mayaman din ito sa mga bitamina at amino acids na nakakatulong sa pagkakaron ng keratin protein, na isang pangunahing bahagi ng pagkakaron ng malusog at magandang buhok, at mabilis na paghaba at pagtubo nito. Dagdag pa dito ang mabisang panlaban nito sa pagkakaron ng balakubak, lalo sa mga bata.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here