Paano mo malalaman kung niloloko ka na ng iyong partner?

Mayroon kaming mga alam na maaring makatulong saiyo. Sa artikulong ito ay sasabihin ko sa inyo ang mga bagay na maaring signs o mga payo na makakatulong sa inyo upang malaman kung nagloloko nga ba ang inyong partner.

1. LAGI SIYANG NAGBABACKOUT SA LAKAD NYO.

Lagi siyang may dahilan para hindi kayo magkita o kung bakit di niya sinasagot mga tawag mo. Kahit matagal niyo nang pinagusapan, magb-backout siya kapag malapit na kasi may “unexpected” daw na pangyayari. Minsan malabo pa yung mga rason niya, minsan hindi na kapani-paniwala o paulit-ulit na.

 2. PALA AYOS NA SIYA NG KANIYANG SARILI

Minsan maaabutan mo siyang aayusin buhok niya bago pumasok sa classroom o kaya gumagamit na siya ng pabango; ito ang mga senyales na nagpapa-pogi siya pero kung wala ka naman sa pupuntahan niya, may pino-pormahan siya. Hindi naman masyadong pala-ayos ang lalaki maliban na lamang kung nagpapa-impress siya sa iba maliban sa’yo, lalo na kung ordinary work day lang yan.

3. LAGING BUSY HINDI NA NAKAKAPAGREPLY SA MGA TEXT MO

Kapag hindi siya sumasagot sa mga text, tawag o chat, masasabing walang panahon sa iyo. Tama naman na may mga pagkakataon na nasa iyo ang atensiyon at oras niya dahil may sarili siyang buhay, subalit, kung palaging ganito ang nangyayari, iba na ang ibig sabihin. Ang taong may interes sa iyo ay gagawa ng paraan upang magkaroon ng oras sa iyo hindi kung kailan lang niya gusto.

4. PAKIRAMDAM MO AY WALA KANG HALAGA Pinakamasakit na siguro ang maramdaman ng isang tao na wala siyang halaga, lalo na sa buhay ng taong minamahal niya. Ngunit kung iyong aalamin ang dahilan nito, siguradong puwede pa siyang magbago, pero kung wala pa rin at patuloy niyang ipinararamdam ito sa iyo, ikaw na mismo ang dapat tumapos ng inyong relasyon para sa iyong kapakanan.

5. WALA NG MGA MESSAGE SA PHONE NIYA OR PALAGING DELETED

Wala ka ng messages na nakikita sa phone niya. Lahat burado na. Check mo kung may messages pa mga friends niya. Kasi for sure, wala na siyang time para mag-check pa kung pinaguusapan ba nila yung bago niya. Kaya lahat na lang ng messages nila, burado na. And take note: wala ka na din masyadong messages sa phone niya. Ang dahilan niya, nagbubura siya para magkaron ng space sa phone niya.

6. IRITABLE SIYA SA IYO AT MABILIS MAGALIT.

Mabilis na siyang magalit sayo. Except kung dati na siyang nagagalit sa ginagawa mo. Example: pinitik mo yung ilong niya. Which is lagi mong ginagawa before. Pero ngayon, pag ginanun mo siya naiinis na.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here