Breaking Habits: 8 Tips Para Hindi Boring ang Iyong Relasyon

Sa panahon ngayon, marami na masyado ang nangyayari sa paligid natin. Dahil sa information age, ang dami na nating options na pwedeng pagpilian. Natutulungan tayo ng internet para pumili at makita ang magagandang pwedeng puntahan sa mundo. Para sa ibang couples, convenience ito. Pero kung isa kayong couple na hindi sanay sa adventures, paano na?

Kung nasa isang relasyon ka na limited na lahat ng ginagawa ninyo at wala na kayong option kundi mag-stay lang lagi sa bahay para sa inyong date, maaaring mag-end up kayo na bored na sa isa’t isa. Pero don’t get me wrong, may mga couples din kasi na na-eenjoy ang ganitong pagsasama. Pero kung ikaw mismo ay nakikita na ito as something bad, mas magandang pag-usapan ninyo ito at tingnan ang new options to spice up your relationship.

Basahin ito at tingnan ang tips para hindi na boring ang relasyon ninyo:

1. Try out a new hobby together

Malalaman ninyo dito na marami pa pala kayong hindi nata-try together. Dati kasi, kung ano lang ang alam ninyo, doon lang kayo. Hindi ninyo alam na exciting pala mag-try ng new hobby. Whether it’s cooking, sewing, painting or anything under the sun, sure it will be fun kung magkasama kayo!

2. Find out each one’s secret desires and go for it

Magkaroon kayo ng isang gabi na nag-uusap lang kayo sa mga secret desires ninyo, pagkatapos try ninyo ito gawin. Make sure lang na mag-communicate kayo ng mabuti before diving into this activity. Minsan kasi, baka nahihiya partner mo to try this, pero you also have to encourage one another.

3. Go on a far away place without a map

Pumunta kayo sa isang lugar na malayo, pero dapat safe! Play by your instincts and don’t rely on maps or your cellphones. This way, matututo kayong mag-adventure together and if ever mawala kayo, at least magkasama kayo. You’ll find yourselves in each other’s arms.

4. Learn a new skill together

Imposibleng wala kayong gustong skill na matutunan, so best is to learn together. This way, makikita ninyo rin how you solve problems together and fix things which are broken. Mas makaka-communicate din kayo maayos together by learning a new skill.

5. Find a great new restaurant for your next date

Go out and experiment on new delicacies. Make your date more exciting and eat your hearts out.

6. Magkaroon kayo ng mga araw na hindi kayo nag-uusap, tapos magkita kayo

Magandang gawin ito lalo sa couples na laging magkausap 24/7. This way, mamimiss ninyo rin ang isa’t isa. While doing this, make sure na busy and productive din kayo sa mga trabaho ninyo.

7. Repeat your first date

Alalahanin ninyo what you did on your first date, and relive it. Mas nakakakilig kung susuotin ninyo rin yung sinuot ninyo noon. Alalahanin ninyo rin kung gaano kayo nahihiya pa sa isa’t isa noon para mas nakakatawa ang trip down ninyo sa memory lane.

8. Go to church together

Don’t forget to go to church together and thank God for all His blessings sa relasyon ninyo. Wag makakalimot pagdating kay God, dahil siya dapat ang nasa sentro ng relasyon ninyo.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here