Ang wonder sibuyas ano ang mga benepisiyo nito

Marami sa atin ang gumagamit at kumakain ng sibuyas upang mapasarap ang ating mga putahe, hindi man maganda ang amoy nito ay napakasarap naman nito at suking suki sa pagpapalasa ng mga putaheng gustong gusto natin. Ngunit hindi lingid sa ating kaalaman ay napaka dami nitong mga benipisyo sa ating kalusugan na makakatulong upang palakasin tayo at hindi lang pasarapin ang ating ulam . Narito ang mga benipisyo nito.

1. MAARI ITONG IPANGGAMOT SA SIPON, UBO AT LAGNAT

Ang mga sibuyas ay may kakayahang pigilan at ihinto ang pag-ubo, sipon at lagnat dahil sa natural na antibiotics na taglay nito. Kapag nakain ito ay nagiging isang materyal na kaikangan ng ating katawan para sa natural na paggamot ng iba’t ibang uri ng mga sakit at ito ay sa pamamagitan ng detoxification at antioxidant. Ang mga sibuyas ay maaari ring makatulong na pababain ang mataas na temperatura mula sa lagnat.

Hiwain mo lamang ang sibuyas sa makapal na hiwa at ilagay ito sa iyong talampakan kasama ang medyas upang mas bumaba ang temperatura ng katawan. Sa kaso ng namamagang lalamunan, ubo at sipon, pakuluan ang mga sibuyas at inumin ito sa pamamagitan ng pagpapakulo nito at paginom ng tubig na ginamit upang pakuluan ito o maaari mo rin itong direktang kainin.

2. MAARI RIN ITONG IPANGGAMOT SA PAGKAPANOT O PAGLALAGAS NG BUHOK

Kung sa iyong palagay na ang iyong buhok ay nagiging manipis o nakakakuha ka ng maraming balakubak, ang sibuyas ay makakatulong sa iyo upang magkaroon ng maayos at magandang sirkulasyon ng dugo sa iyong anit. Magreresulta ito sa mas malusog na buhok sa gayon maiiwasan ang pagkawala o pagkalagas ng buhok.

3. PANGGAMOT SA DIABETES

Ang mga sibuyas ay may kakayahang tulungan ang mga taong may diyabetis sa pamamagitan ng pagkain nito dahil ang mga sibuyas ay nagdaragdag ng insulin sa ating dugo at nagpapababa ng antas ng asukal sa dugo.

4. Hirap sa pag ihi

Ginagamit ang bungang ugat ng sibuyas bilang pampahid sa sikmura upang matulungan ang pag-ihi. Niluluto ang sibuyas sa langis ng niyog pagkatapos ay ipampapahid sa bahaging puson. Maaari ding inumin ang pinaglagaan ng sibuyas upang maibsan ang kondisyong ito.

5. PANGGAMOT SA PASO

Ang hiniwang sibuyas ay maaaring ipantapal sa bahagi ng balat na napaso.

6. PANLABAN SA PAMAMAGA AT ALLERGY

Ginagamit din ito para sa paggamot ng mga sakit sa paghinga.

Maraming salamat sa inyong pagbabasa at sana ay nakatulong sa inyo ang artikulong ito.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here