PAANO PAPUTIIN ANG MAITIM NA KILIKILI

Kung isa ka sa mga hindi nabiyayaan ng maputing kilikili ay para sa iyo ang artikulong ito. Maaring maging hassle ito sa iyo dahil maaring hindi ka maging kumportable magsuot ng mga damit na maaring makita ang iyong kili kili gaya nalamang ng mga sando at spaggeti tops. Ngunit narito naman kami upang punan ang iyong problema narito ang ilang mga artikulo na makakatulong saiyo.

1. GUMAMIT KA NG BAKING SODA Ang baking soda kasi ay hindi lang kilala bilang panlinis sa bahay ngunit marami rin itong gamit para sa pagpapaganda dahil sa taglay nitong exfoliating properties. Nakatutulong ito para mga matanggal ang mga dead cell na isa sa mga dahilan para mangitim ang ating kilikili. Nakatutulong rin ito upanh malinis ang mga pores ng iyong kilikili na maaring nabara dahil sa paggamit ng deodorant.  Ihalo lamang baking soda sa tubig hanggang sa medyo maging malapot. Ipahid mo ito at dahang-dahang iscrub. Pagtapos ay banlawan at tuyuin gamit ng towel.

2. GUMAMIT KA NG LEMON

Sikat ang lemon bilang isa sa mga laging ginagamit sa mga pampaputi kaya hindi nakapagtataka na magagamit din ito para sa pagpapaputi ng ating mga kilikili. Ang lemon ay may natural na cleansing properties at may bleaching properties. Ipahid lang ang lemon kasabay sa pagligo. Maari niyo itong gawin isa hanggang dalawang beses sa isang linggo.

3. GUMAMIT KA NG PATATAS

Hiwain mo lamang ang patatas at ilagay ito sa iyong kili kili ng 15 hanggang 20 minuto.

Ang mild acid na galing sa patatas ay isang natural bleach na mabisang paraan na pampaputi ng kilikili. Hindi ito katulad ng ibang klase ng bleaching na matapang na puwdeng makairita ng balat, ang patatas ay maaaring gamitin na pang bleach at ito ay banayad lamang.

4. PIPINO gaya ng mga bagay sa taas ito rin ay makakatulong upang mapaputi ang iyong kilikili. Hiwain mo lamang ito at  ilagay sa iyong kili kili ng mga 15 hanggang 20 minuto.

5. GUMAMIT KA NG COCONUT OIL Ang coconut oil ay isa pang paraan kung paano pumuti ang kilikili. Ang coconut oil ay mayroong Vitamin E na tumutulong sa pampaputi ng kilikili. Isa rin itong mabisang natural na deodorant. Imasahe ang coconut oil sa kilikili at iwan ng 10-15 minutes, hugasan ito gamit ang mild soap at maligamgam na tubig.

Maraming salamat sa inyong pagbabasa at sana ay nakatulong sa inyo ang artikulong ito.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here