PAANO MAALIS ANG MGA PEKLAT

Marami sa atin ang nais matanggal ang kanilang peklat. Maaring nakuha natin ito sa ating pagkabata o kaya naman sa isang aksidente o operasyon. Hindi naman natin ito dapat imahiya at wala namang problema rito ngunit kung isa ito sa mga nagpapababa ng lakas ng iyong loob ay pwede mo naman itong gawan ng paraan. Walang masama sa pagiging proud dito at wala rin namang masama kung bibigyan mo ito ng solusyon.

1. GUMAMIT KA NG SIBUYAS

 sibuyas ay may anti-inflammatory properties kaya maaaring nitong hadlangan ang produksyon ng collagen sa isang peklat. Sa ganyang paraan, hindi gaanong nakikita ang peklat.

Kadalasang matatagpuan ang extract ng sibuyas sa isang gel na maari mong ikuskos sa iyong peklat. Ang prosesong ito ay mahaba at maaaring tumagal ng ilang buwan bago mo makita ang anumang mga resulta.

2. GUMAMIT KA NG HONEY

Ang honey kasi ay isa ring mabisang solusyon sa mga nagtatanong kung paano mawala ang peklat. Ipahid mo lamang ito sa peklat kahit ilang beses at kahit gaano katagal naisin. Ligtas ang itong ibabad sa balat dahil wala itong mapaminsalang kemikal. Ngunit mag ingat sa mga nabibiling honey dahil may mga hindi tunay na honey na nagkalat sa mga grocery. Mas makabubuting derektang bumili sa mga farm na pinagkukuhanan nito dahil mas makakamura ka at makakasiguradong safe at walang halong kimikal.

3. PIPINO

Ang pipino na mayaman sa vitamin C, A at magnesium ay nakatutulong din kung paano mawala ang peklat. Hiwain lang ito ng manipis at derektang idikit sa balat sa loob ng tatlumpung minuto. Makatutulong na banlawan ang balat ng malamig na tubig pagkatapos.

4. GUMAMIT NG GAMOT

Isa ito sa pinaka mabisang paraan upang masulusyunan ang iyong problema.Gamot na pinapahid, gaya ng potassium aminobenzoate. Ito’y hindi nakakagaling, ngunit maaaring makabawas sa pagiging halata ng peklat. May mga ‘silicon gel’ rin na ointment na pinapahid sa peklat.

5. SURGERY

Operasyon o cosmetic surgery, na pwedeng baguhin ang anyo ng iyong balat upang mawala o hindi maging halata ang peklat. Tandaan na ang operasyong ito ay posible ring mag-iwan ng peklat, lalo na kung ikaw ay ‘keloid former’.

Maraming salamat at sana ay may natutunan kayo sa artikulong ito.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here