Ipagsigawan ang status nila ni Labs

Kung talagang mahal mo si Labs, ipaparamdam mo ito sa kanya ng bonggang-bongga. Hindi lang iyong nagsasabi ka sa kanya ng I love you pero pabulong lang. Ang dapat, hindi lang siya at ikaw ang nakakaalam na nagmamahalan kayo kundi pati na ang iyong kapamilya, kaibigan at kakilala,kundi ang buong mundo.

Sa sitwasyong ipinangangalandakan ninyo na mahal ninyo ang isa’t isa, ay mas nagiging matibay ang inyong relasyon. Siyempre kampante ang isa’t isa na walang makakasingit sa inyong relasyon kapag nag-status na kayo ng In Relationship o kaya Married. Iyon nga lang, hindi naman lahat ng magkakarelasyon ay legal. May ilan na  nabubuhay sa bawal na relasyon. Kaya kahit pa sabihin na sila ay nagmamahalan, marami pa rin silang mga bagay na itinatago.

Mayron nga dyan,ilang taon na silang nagsasama ni guy pero nakakaramdam pa rin siya ng pangamba sa status ng relasyon nila ni Labs. Paano ba naman kasi ang status na maaari lang nilang ilagay ay complicated. Kung other woman ka lang kasi, talagang hindi mo maipagmamalaking married ka dahil siguradong marami ang magtatawa at magpuprotesta. Ngunit, kung talagang nagmamahal ka, tiyak ko naman na balewala sa’yo ang pang-iinis ng iba dahil ang importante lang sa’yo ay happy ka. Ang tanong, masaya ka nga ba o piniilit mo lang maging masaya?

Kung ikaw naman ang legal na asawa, tiyak ko naman na walang magiging problema kahit i-post mo pa ng paulit-ulit ang larawan ninyo ng iyong mister dahil kahit na pagbali-baliktain ang mundo, nasa iyo pa rin ang lahat ng karapatan. Tiyak ko rin na marami ang tsismosa ang sobrang kikiligin.

O, ano ba ang status ng inyong relasyon?

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here