Mga Dahilan kaya di magkasundo ang magkakapatid

Una, may favoritism ang magulang.Masakit mang tanggapin pero may mga magulang na magkaiba talaga ang pagtingin sa kanilang mga anak. Iyon nga lang, may mga anak din naman kasing malayo ang loob sa kanilang mga magulang. Marahil dahil agad na nilang iniisip na mas mahal ng kanyang malgulang ang kapatid niya.

Alam naman siguro natin na ang selos ay parang anay na sumisira sa relasyon natin sa isang tao, kaya, mga magulang, huwag naman ninyong bigyan ng dahilan ang inyong anak na magselos sa kanyang kapatid. Tandaan mo, sila rin ang magdadamayan pagdating ng araw at mahirap maging malapit sa isa’t isa kung kapwa naman sila may itinatagong sama ng loob.

Pangalawa, nagpapaligsahan sa atensyon ng mga magulang. Gusto nating mga anak na tayo ang maging star sa paningin ng ating mga magulang kaya kung minsan ay hindi natin namamalayan na ang knakalaban natin ay ang sarili nating kapatid.

Pangatlo, magkakaiba ang gusto. Kung magkaiba ang gusto ninyo, malaki ang posibilidad na magtatalo o mag-aaway kayo. Kung minsan kasi ay parang napakahirap din sa magkapatid ang magbigayan.

Hay, sana iwasan ng magkapatid ang magkaroon ng masamang pakiramdam sa bawat isa dahil kayo ay magkakadugo at dapat lang talagang magmahalan. Dahil kapag nawala ang inyong mga magulang kayo rin ang dapat na magdamayan.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here