MGA BAGAY NA MAARI MONG GAWIN UPANG LUMIIT ANG IYONG MUKA

Maaring napapansin mo na lumalaki na ang iyong muka at ayos lamang naman ito ngunit kung nagiging dahilan na ito upang bumaba ang kumpyansa mo para sa iyong sarili ay narito naman kami upang tulungan ka, naghanap kami ng mga bagay na makakatulong sa iyong problema, gawin mo lamang ang bagay na ito at siguradong papayat na ang iyong muka.

1.) IEHERSISYO MO ANG IYONG MUKA makakatulong ito sa iyo upang maiwasan ang wrinkles at mabawasan ang taba sa muka. Maraming mga ehersisyo ang makakatulong sa iyo at maari mong gawin. May mga artikulong maari mong basahin o kaya naman ay mapanood. Ang ilang mga ehersisyo na ito ay maaring pagnguso habang nakatingala ng ilang minuto paglalagay ng hangin sa iyong bibig at marami pang iba.

2. MAGBAWAS NG TIMBANG maaring dahil ito sa iyong timbang, maaring sign na ito na tumataba ka na at kailangan mo ng magehersisyo at alagaan ang iyong katawan. Wag tatatamad tamad kung nais mo talagang magkaroon ng maganda at maliit na muka kailangan mong magsakripisyo at gumawa ng mga bagay bagay kahit na hindi mo ito gusto o nahihirapan kang gawin ito kailangan mo ng lakas ng loob.

3. MAGMAKE-UP kung mahilig kang mag make up alam mo na siguro ang technique na ito ito ang PAG COCONTOUR pinagmumuka nitong maliit ang iyong muka at magagawa mo ito ng mabilisan at instant lamang kung ikaw naman ay hindi masyadong mahilig sa make up ang contour ay ang paglalagay ng darker shade ng make up o foundation sa iyong pinge, panga at noo ngunit maari mo naman mapanood ang mga tutorials nito sa youtube.

4.UMINOM NG MARAMING TUBIG nakakatulong kasi ang pagiging hydrated o paginom ng tubig upang maalis ang puffiness ng ating muka na bunga ng sodium. Uminom ka ng 7 hanggang walong baso ng tubig kada araw at makakatulong rin ito sa iyong pagpapapayat at nakakaganda rin ng iyong kalusugan kaya naman ay huwag kang tatamad tamad at uminom ka ng maraming tubig . Makakatulong rin ito upang iwan kang may pakiramdam na busog.

5.UMIWAS KA SA MGA ALAK nakakatulong ang alak upang lumaki ang iyong muka at dumagdag sa iyong timbang kaya naman ay iwasan mo ito dahil bukod sa hindi ito maganda para sa iyong katawan ay nakakataba rin ito at nakakapangit ng balat.

6.MATULOG NG MAAYOS  maaring maging dahilan ang kakulangan sa tulog upang lumaki ang iyong muka kaya naman dapat ay magkaroon ka ng maayos na tulog mag set ka ng oras para sa iyong sarili at sikaping masunod ang simet mo na ito.

Maraming salamat sa inyong pagbabasa at sana ay makatulong sa inyo ang artikulong ito.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here