ANG HIWAGA NG LUYA AT ANG GAMIT NITO

Marami sa atin ang gumagamit ng luya bilang pampalasa para sa ating mga pagkain ngunit ang hindi alam ng karamihan ay umaapaw ito sa sustansya at nutrisyon na talaga namang makakatulong upang panatilihin ang isang tao na malusog at malakas.Ang luya ay isang napakahusay na mapagkukunan ng mga bitamina A, C, E at B. Naglalaman ito ng magnesiyo, potasa, posporus, sink, iron at beta karotina.

Narito ang mga benepisyo ng luya:

NAGPAPALAKAS ITO NG IMMUNE SYSTEM AT PANLABAN SA LAMIG ang luya, na nagpapataas ng temperatura ng katawan, ay nagpapalakas sa ating immune system, lalo na sa mga buwan ng taglamig at tumutulong sa mga problema sa kalusugan tulad ng trangkaso, sipon. Dahil kailangan nating pawis upang malampasan ang mga sakit na ito, ang luya ay makikinabang sa pagtaas ng init.

MAKAKATULONG PARA SA IYONG SIPON AT UBO dahil sa anti-inflammatory properties nito, makakatulong ang luya sa sipon at ubo. Makakatulong itoupang mapalabas ang iyong plema sa mga may ubo. Sa simpleng pag-inom ng ginger tea na may honey at lemon juice, ay makakatulong na ito upang mawala ang iyong sakit Pwede ring gumawa ng kendi na gawa sa luya o throat lozenges na gawa rin dito. Sa pamamagitan ng paghahalo ng honey at luya at mainit na tubig.

LUNAS SA CONSTIPATION O DI MADUMI ang luya ay isang natural at ligtas na laxative kung ikukumpara sa mga laxative tea kagaya ng biguerlai. Ang simpleng pag-inom ng tsaa nito ay makakatulong upang madumi ka. Magpainit lamang ng tubig lamay luya, maari mo rin itong samahan ng lemon at honey upang mas maging maganda ang lasa nito.

PAMPAPAYAT ang luya ay nagpapabilis ng metabolismo. Pag mabilis ang metabolism, mas maraming calories ang nagagamit  o nasusunog ng katawan. Gumawa ng ginger water at ito ang iinumin mo sa proseso ng iyong pagpapapayat. Makakatulong rin ito sa pamamagitan ng pagiwan sa atin na ang pakiramdam ay busog sa gayon ay hindi ka masyadong mapaparami ng pagkain.

MABAHONG HININGA ayon sa mga eksperto ng luya ay ini-stimulate nito ang enzyme sa ating laway para tunawin ang mabahong amoy sa ating bunganga.Mag balat at maghiwa ng luya at gawin itong parang kendi.

Maraming salamat sa inyong pagbabasa at sana ay makatulong ito sa inyo.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here