PAANO LABANAN ANG INIT (BEAT THE HEAT)

Ngayong summer ay ramdam na ramdam natin ang init lalo na dito sa pilipinas. Isa kasi ang pilipinas sa mga tropical country at karamihan sa atin ay wala namang air conditionjng o kung mayroon man ay hindi naman natin ito nabubuksan ng buong araw dahil sa laki ng gastos nito sa kuryente. Kaya naman ginawa namin ang artikulong ito upang matulungan kayo at sama sama nating labanan ang init. Narito ang mga maari nyong gawin.

GUMAMIT NG BOX FAN ang box fan kasi, kumpara sa circle fan ay makakatulong sa air circulation ng inyong bahay gumagana ito na parang exhaust fan at inilalabas ang init saka ipapasok ang init sa inyong bahay. Makakatulong rin ang pagbubukas ng lahat ng pinto at bintana sa inyong bahay upang maisaayos ang air circulation dito at mas maging malamig ang inyong bahay sa gabi ngunit isara na ito kapag ka suminag na ang araw.

GUMAMIT NG TUBIG maligo ka gamit ang malamig na tubig makakatulong ito upang maging presko ang iyong pakiramdam . Maari karing magbasa ng towel at ilagay ito sa iyong noo makakatulong ito upang maging malamig ang iyong pakiramdam at isa pang maari mong gawin ay ang pagbababad ng iyong paa sa batya o kaya naman ay timba. Maari ring maglagay ng tubig o magsaboy ng tubig sa labas ng inyong bahay.

BUMABA KA mas mainit kasi ang isang lugar kung mas mataas ito kaya naman ay doon ka nalamang muna sa baba kung kayo ay may 2nd floor na bahay o mas mataas pa.

ALISIN O PATAYIN ANG ILAN PANG PINAGKUKUHANAN NG INIT AT NAKAKADAGDAG SA INIT gaya nalamang ng mga computer, bunutin ang mga appliances sa saksakan lalo na kung hindi naman ito ginagamit. Kumain ng mga lutong bahay para hindi na masyadong gamitin ang oven.

UMINOM NG MARAMING TUBIG AT MANATILING HYDRATED mas nagpapawis tayo kaya naman mas kailangan nating uminom ng tubig lalo na kung mas mainit. Siguraduhing uminom ng 8 hanggang 9 na baso ng tubig lalo na ngayong taginit upang manatiling healthy at hydrated ang ating mga katawan, makakatulong rin ito upang maging presko ang ating pakiramdam.

UMIWAS SA MGA INUMIN MAY CAFFEINE gaya nalamang ng mga soft drinks at kape.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here