Mga Uri ng Pagmamahal

  1. Eros – Ito ang uri ng pag-ibig na mayroon ka para sa taong iyong minamahal. Kapag tinamaan ka ng pana ni Kupido, makakaya mong tanggapin kahit na sina pa siya. Magagawa mong tanggapin kahit na ano pa ang kanyang kapintasan.
  2. Philia – Ito ang klase ng pagmamahal na magagawa mong ibigay sa isang kaibigan. Kung minsan nga ay parang nagiging malakas ka kapag kasama mo ang itinuturing mong bestfriend. Nagagawa mo kasing sabihin sa kanya kung ano tunay niyang nararamdaman kaya may pagkakataon na ang pagmamahal natin sa ating kaibigan ay nagiging pag-ibig.
  3. Storge – Ito iyong pagmamahal ng magulang na ibinibigay niya sa kanyang anak at ang isinusukli ng anak sa kanyang mga magulang.
  4. Agape – Ito iyong pagmamahal na nagagawa mong ibigay sa iba. Hindi mo man siya personal na kakilala pero nagagawa mo siyang tulungan, ibig mo siyang mapaligaya. Sa panahon ng krisis, umiiral ang klas ng pagmamahal na ito.
  5. Ludus – Ito ay iyong pagmamahal na ibinibigay mo sa isang taong di mo naman talaga karelasyon. Para sa’yo, kasiyahan lang ang hatid ng iyon pagmamahal. Mahal mo lang siya dahil nandiyan siya, kumbaga.
  6. Pragma – Ang pagmamahal na ito ay para sa mga kinahihiligan mong gawin. May mga artistang kahit na tumanda na sila sa pag arte ay di pa rin nila ito tinatalikuran dahil pakiramdam nila ay sa pag-arte nagkakaroon ng saysay ang kanilang buhay.
  7. Philautia – Ang pagmamahal natin sa ating sarili. Dahil sa pagmamahal natin na ito, hindi natin ninanais na mapahamak tayo kaya naman sinisika natin na maging maganda o pogi tayo at pinappaganda natin ang ating buhay. Iyon nga lang, kapag tayo ay naging gahaman dahil sa agmamahal natin sa ating sarili ay nagiging negatibo rin ang pagmamahal nating ito.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here