PAANO MALAMAN KUNG SIYA NA TALAGA PARA SA IYO

Minsan ay napapatanong tayo sa ating sarili kung sa tingin natin ay sya na nga ba ang “the one” ang taong nais nating makasama habang buhay hanggang sayo tayo ay tumanda at magkaroon ng pamilya. Kaya naman narito kami upang gabayan ka at bigyan ka ng mga ilang tips na maari mong ikonsidera ngunit syempre puso mo parin ang mag didikta nito ang arikulo na ito ay narito lamang upang tulungan kang marealize o mag desisyon.

1. KAPAG PINAGKAKATIWALAAN KA NIYA

Isa ito sa mga mahahalagang bagay na dapat tandaan dahil sa ilang taon na pagsasamahan nyong dalawa sa buong buhay nyo ay kung wala siyang tiwala sa iyo ay magkakanda letche letche lamang ang inyong relasyon.  Malalaman natin na siya na nga kapag kahit hindi ibigay ang account sa FB, Kahit simpleng paalam lang na “pupunta lang ako saglit sa barkada ko” sabay sabing “sige”. Ang pagpayag sa gustong gawin ng ating mga karelasyon ay hindi katangahan bagksu ay pagtitiwala dahil mahal natin sila. Ngunit hindi naman ito natatapos dito dahil dapat ay kung pinagkakatiwalaan ka niya dapat ay pinagkakatiwalaan mo rin siya ng buong puso.

2. KAPAG INIISIP NIYA ANG FUTURE NYONG DALAWA

Dapat ang partner mo ay nakikita ka sa kaniyang buhay na para bang sigurado na siya na magiging parte ka ng kaniyang buhay sa hinaharap. Malalaman mo ito sa mga simpleng usapan tungkol sa inyong hinaharap mga plano at kung paano nyo makakamit ang inyong mga pangarap. Mga bahay, mga anak at mga negosyong nais nyo , kung paano kayo magpupundar ng nga ariarian at kungano ano pa.

3. KAPAG NAKASAMA MO NA SIYA NG MATAGAL

Sabi nga nila hindi dineditermina ng oras ang pagibig ng magkarelasyon, ngunit para sa akin ay isa rin ito sa mga tinitignan dahil kung matagal na kayo, malaki ang posibilidad na mas nakilala mo na ang taong ito, mula sa kung paano siya magreact sa mga ganitong bagay, kung paano siya makipag usap sa ibat iba niyang kaibigan, paano siya magalit o kung ano pa. Kung nakita mo na ang kaniyang buong pagkatao, ang panget niyang ugali at hindi man lang nagbago kahit kakaunti ang pagmamahal mo sa kaniya ay posibleng siya na nga ang the one. Malaki kasi ang posibilidad na kapag nagkanda leche leche ang inyong relasyo  at umabot kayo sa matinding pag aaway ay hindi hiwalayan ang aabutin nyo dahil alam mo na ang kaniyang ugali.

4. HINDI KA NA NAGDADALAWANG ISIP

Kung siya na siya na kung sa tingin mo siya na ang para sa iyo, siya na ang binigay ni Lord ng walang second thoughts ay maaring siya na nga. Dahil kung may pagdududa pa sa puso mo na gusto mo bang makasama habambuhay ang babaeng ito o lalaking ito ay huwag mo na munang ituloy. Antayin mo na maging sigurado ka na na kapag iniisip mo ang bagay na ito ay walang pagdududa at puno lamang ng galak ang inyong puso.

5. KAPAG IKINOKONSEDERA MO SIYA SA IYONG MGA DESISYONG GAGAWIN

Isa ito sa mga signs kung sa tuwing gagawa ka ng mga desisyon ay maiisip mo siya. Halimbawa ay bibili ka ng prutas ay maaring maisip mo siya , bilhan ko rin kaya siya paburito niya ito eh. O kaya naman ” baka magalit siya”, ” mukang magugustuhan to ni…” kahit mga simpleng bagay lamang ay ikinokonsidera mo na siya at inisiisip sa mga desisyong ginagawa mo.

Maraming salamat sa inyong pagbabasa sanay ay mayroon kayong nalaman at natutuhan sa artikulong ito

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here