PAANO MAKAPAG MOVE ON

Pagkatapos ng break up, normal lang na maalala mo ang inyong nakaraan. Ang pag momove-on ay talaga nga naman mahirap, kaya naman mag focus mula sa maliit-papalaki na hakbang. Pagkatapos ng breakup, alagaan mo ang iyong sarili kaya naman ang iyong nawasak na puso ay unti-unting gagaling. Tapos, mag-focus ka at trabahuhin mo ang iyong emosyon at buohin mo ang pagsasarili. Kung ready kana, mag-umpisa ka na makipag date sa layunin na makagawa ng koneksyon.

1. MAG-FOCUS SA PAG-AALAGA SA SARILI NG ISANG LINGGO PAGKATAPOS NG BREAKUP.

Ang breakup ay talaga nga naman masakit. Pero ang pag-aalaga sa sarili matutulungan kang guminhawa ang iyong pakiramdam. Siguraduhin na nakakamtam mo ang iyong mga personal na kailangan, at bigyan mo ang iyong sarili ng permission para gawin ang mga healthy activities na makakapagpa-ginhawa sa’yo na. Bilang karagdagan, I-push mo ang iyong sarili na maging active at makipag salamuha sa iba mapapataas nito ang iyong mood. ©filipinaproud.com

~Halimbawa, kumain ka ng paborito mong healthy na pagkain, sumali sa dance class, o di kaya naman ay mag spa. Imbitahan mo anh iyong mga kaibigan na maglaro ng basketball o di kaya naman ay bowling.

2. GUMAWA NG MGA BAGONG ROUTINE NA MAKAKATULONG NA MA KONTROL MO ANG IYONG BUHAY

Ngayon na ang tamang oras para gawin ang buhay na iyong gusto, at ang bagong routine ay makatutulong. Gumawa ka ng schedule sa iyong araw upang masubaybayan mo ang iyong responsibilidad, trabahuhin ang iyong pangarap, maglaan ng oras sa mga kaibigan, at gawin ang iyong mga madalas na ginagawa. At i-adjust mo ang iyong schedule kung kinakailangan upang panatilihin ang iyong sarili sa track.

~Isama mo ang iyong oras ng pagkain, pag-ligo, at gawaing bahay sa iyong schedule upang hindi mo ito makalimutan.

~Gumawa ng makapagpa-pasaya sayo araw-araw. Deserve mong maging masaya!!

~Halimbawa, maligo, kumain ng healthy na almusal, journal, pumasok sa trabaho o sa school, ayain mo ang iyong mga kaibigan kumain, at subukan magisip isip ng mga bagong bagay bago matulog. ©filipinaproud.com

3. PANATILIHING ACTIVE ANG SARILI PARA HINDI KA MAKAIN NG IYONG  KALUNGKUTAN

Kahit na nais mo pang magmukmok at kumain ng napakaraming ice cream ay hindi ka nito matutulungan at mas bibigat pa ang iyong nararamdaman. Libangin mo ang iyong sarili maari kang mag ehersisyo, maglaro, o kaya naman ay makipag kilala sa mga bagong tao. Makatutulong ito sayo habang inaayos mo ang mga emosyong nararamadaman mo

– Humanap ka ng isang kaibigan namaari kang samahan gumawa ng kung ano. Kung wala ka namang mahanap ay maari kang makipag kita sa mga bagong tao, pumunta sa mall o kaya naman ay parke. ©filipinaproud.com

 4. MAKIPAGSAYA SA IYONG MGA KAIBIGAN AT PAMILYA makipag bonding ka sa iyong mga pamilya at mas bigyan sila ng oras. Kamustahin mo sila kahit sa text at tawag lamang, gumawa ka ng mga plano upang makalabas labas kayong magkakaibigan at kayong magkakapamilya. Mararamdaman at marerealize mo na maraming tao palang nagmamahal sa iyo.

-makipag bonding ka sa kanila araw araw kahit sa simpleng dinner man lang o kaya naman ay pagkain sa labas

5. ALISIN AT ITAPON ANG MGA BAGAY NA MERON KA NA MAY KONEKSYON SA IYONG EX. Ang mga bagay na ito kasi ay magpapaalala lamang sa iyong nakaraan o mga memoryang mayroon kayong dalawa. Kolektahin mo ito at itapon o kaya naman ay ipamigay mo. Idelete mo rin ang mga litratong mayroon kayo o kaya naman ay mga messages nyong dalawa sa inyong account. Mas mabuting i unfollow nyo na rin sila sa inyong mga social media.

– kung ayaw mo pang mawala ang mga gamit na ito ay maaring itabi mo muna ito sa hindi mo matatanaw o ipatago sa iyong kaibigan at kapag handa ka na ay saka magdesisyon kung anong gagawin mo rito. ©filipinaproud.com

– maari karing magtira ng mga litrato niya dahil maaring memorya niyo rin itong magkakaibigan, ngunit mas magandang idelete mo na ito

Maraming salamat sa inyong pagbabasa. Sana ay nakatulong sainyo ang artikulong ito

We add copyright messages throughout our articles due to the incredible amount of copyright fraud and theft performed by competing Facebook pages.  Thanks for understanding

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here