Ang 10 Benepisyo ng Pagkain ng Bangus

Tayong mga babae ay gustung-gustong magkaroon ng kaakit-akit na pangangatawan kaya bukod sa pag-e-ehersisyo, kailangan naman ay alam natin kung ano ba ang dapat nating kainin. Sa aking pagsasaliksik, makabubuti talaga ang pagkain ng isda kung ibig natin talagang magdiyeta ngunit sa ating artikulo ay matutuklasan natin Ang 10 Benepisyo ng Pagkain ng Bangus

  1. Maiiwasan natin ang magkaroon ng sakit sa puso
  2. Maiiwasan mong magkaroon ng alta presyon
  3. Bababa ang cholesterol level mo
  4. Punung-puno ito ng protina kaya lalakas ka pa
  5. Dahil sa iron na makukuha mo sa isdang ito, makakaiwas kang magkaroon ng anemia.
  6. Mayroon itong Vitamin A kaya di lalabo ang iyong mga mata
  7. Mananatiling matibay ang iyong mga buto
  8. Hindi ka na magkakaroon ng osteoporosis, tatangkad ka pa
  9. Dahil ulit sa iron, bibilis ang paggaling ng iyong sugat
  10. Pampatalino rin ito kaya magiging madali sa’yong solusyunan ang problema.

O, hindi mo ba gugustuhing humaba ang iyong buhay? Tiyak na iyon ang mangyayari kung mas kakahiligan mo ang pagkain ng bangus kaysa naman sa pagkain ng mga ulam na masasarap nga pero pampaikli naman ng iyong buhay.

Kaya, bago ka kumain,pakaisipin mo muna kung makakatulong ba talaga sa’yong kalusugan ang iyong kakainin.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here