PAANO KUMITA NG PERA KAHIT NAKA QUARANTINE

Marami sa atin ang gustong kumita ng pera ngunit hindi naman maari lalo na kung hindi pang frontliner ang ating trabaho. Maaring nasa bahay ka lang at malaking pa ang tyansang no work no pay ka kaya napindot mo ang artikulong ito o kaya naman ay gusto mo lamang kumita ng extrang pera para may panggastos ka o pang imbak ng pagkain ngayong quarantine kaya naman narito ang mga maari mong gawin

1. MAGTAHI KA NG MGA FACEMASK tama iyan kung marunong ka namang manahi ay bakit hindi ka magtahi ng mga facemask makakatulong ka na makakabenta ka pa at kikita. Maraming mga tutorial sa fb at youtube kung paano gumawa nito o maari ka rin namang mag experimento. Hindi malaking puhunan ang kailangan dito at maari ka pa ngang gumamit ng mga telang mayroon ka na gaya ng mga kumot at mga damit na hindi nyo na ginagamit at maglagay ka lamang ng sign sa inyong pinto na ” facemask for sale” at siguradong malaki ang kikitain mo rito.

2. MAARI KANG MAGLOAD madali lamang ito maliit lamang ang puhunan na kailangan at siguradong magiging patok ito lalo na sa mga kabataang walang magawa ngayong quarantine o kaya naman ay mga taong nais mangamusta sa kanilang mga mahal sa buhay. Isa pa nasa bahay ka lamang at chill ka lang habang nagaantay ng iyong customer.

3. MAGBENTA KA NG MGA LUTUIN magiging patok ito lalo na at napaka haba ng pila sa mga palengke at mga pamilihan. Kaya naman imbes na bumili sila ng kanilang mga ingredients na lulutuin ay bibili nalamang sila ng lutong ulam sa iyo. Makakatulong rin ito sa iba dahil hindi na sila lalabas ng bahay at mas magiging safe sa ating pandemic na nararanasan. Ang mga simpleng mga lutuin ay siguradong papatok at kikita ka ng malaki.

4. MAG MANICURE maaring hindi ito maging applicable kung nais mo ang maging maingat at magsocial distancing. Ngunit kung mayroon ka namang mga safety measures at may mask ka gloves at laging magaalcohol ay maaring maging posible ito. Basta dapat ang mga gagamitin mo ay laging nakaalcohol kada gagamitin sa isang tao.

5. Mag business ka ng ” pa BUY isasabay mo lamang sila sa iyong mga ipapamili at bibigyan ka nila ng service fee maganda tong business kung mayroon kang sasakyan sarili o kaya namn ay motor upang di mahirapan sa pamimili.

Maraming salamat sa inyong pagbabasa sana ay makatulong sainyo ang artikulong ito. Mayroon ka pa bang alam na maaring gawin upang kumita habang naka quarantine? Ikomento mo na ito

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here