Pagpupuyat, sanhi ng iba’t ibang karamdaman

Walong oras na pagtulog ang kailangan ng ating katawan para magawa natin nang maayos ang ating mga gawain. Kung pipiliin mong magpuyat, siguradong magmimistulan kang lantang gulay kinabukasan. Hindi ka pa makapag-iisip ng tama kaya malaki ang tendensiya na marami kang maling desisyon na magawa.

Ikaw ba ay madalas ding magpuyat? Kung ‘oo’ ang sasabihin mo, nakapag-aalala ka. Marami ka kasing sakit na maaring maramdaman kung ipagpatuloy mo ang hindi pagtulog ng tamang oras. Para magawa mo ng itama ang mali mong gawain, kailangan mong malaman ang mga sakit na iyong kahaharapin kapag ipinagatuloy mo a ang iyong pagpupuyat.

Una, pwede kang magkaroon ng diabetes. Kapag lagi kang nagpupuyat, siguradong tatakaw ka pa at ang kalimitan mong mahahagilap sa ref ay matatamis kaya talagang tataas ang sugar  mo.

Pangalawa, hihina ang iyong  memorya. Marami kang bagay na makakalimutan kahit pa sabihing napag-aralan mo na. Kung estudyante ka, baka bumagsak ka pa sa exam.

Pangatlo, lapitin ka sa aksidente. Kung hindi maganda ang iyong mood, hindi ka makagku-concentrate sa isang gawain.

Pang-apat, pwede kang mabaog. Hindi magiging active ang libido mo.

Panlima, tataba ka. Panay kasi kain mo sa madaling araw.

Pang-anim, mahihirapan kang matunawan. Lagi kasing may pagmamadali ang kilos mo.

Pampito, depresyon.Magiging matampuhin ka. Hindi ka kasi nakapag-isip ng tuwid. Kaya, laging nasa huli ang iyong pagsisisi.

Pang walo, pagkabalisa. Hindi kampante ang pakiramdam mo. Pakiramdam mo ay laging may nakasunod sa’yo.

Pang siyam, matinding pagkapagod. Kasi nga kulang na kulang ang lakas mo para sa araw na iyon kaya parang lata ka lagi.

O, nanaisin mo bang magkaroon ng ganitong karamdaman dahil sa agpupuyat mo?

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here