BAGAY NA DAPAT MO AGAD GAWIN KAPAG NALAMAN MO ANG IYONG PARTNER AY NAGLOLOKO

Maaring niloko ka ng iyong partner at hindi mo alam ang gagawin mo kaya naman narito kami upang bigyan ma ng mga payo na makakatulong sa iyo.

1. MAGING MAHINAHON AT MANGALAP NG IMPORMASYON

Gaano ka man naguguluhan matapos mong marinig ang balita, importanteng mangolekta ka ng mga impormasyon ukol sa iyong partner at sa kalaguyo niya. Ito nga ba ay isang beses lamang?  Kung hindi, gaano katagal na nga ba sila at gaano kadalas silang nagkikita? Hanggang ngayon ba ay sila parin?

“Lahat ng impormasyon na ito ay mahalaga,” Dawn Michael, Ph.D., clinical sexologist, relationship expert at author ng “My Husband Won’t Have Sex with Me,” sinabi niya sa isang interview with The Cheat Sheet. “Mag-ingat ka na wag mag overreact at sag gumawa ng mga bagay na pagsisihan mo rin sa huli, tulad ng pag-sigaw, paninisi, at pagwawala hindi nito marere-solba ang inyong relasyon at magiging dahilan lamang yon na hindi kana kausapin ng partner mo tungkol don.”

2. ALISIN MO ANG IYONG SARILI SA SITWASYON NA ‘YON

Ang pananatili sa taong nag sabi sayo ng chismiss na to ay kabaliktaran ng kailangan mo ngayon.” Kung ikaw ay nasa hindi magandang posisyon sa inyong relasyon, at pagkatapos niyang ipagtapat na mayroon siyang babae at paupo upo lang siya sa inyong bahay na parang walang nangyari ay iwanan mo na yan.”

Hindi healthy para sayo ang manatili sa gantong sitwasyon, at mailalayo ka nito sa mabuting pag pro-proseso ng mga nangyayari.

3. HUMANAP KA NG MAGIGING KARAMAY

Ito na ang oras upang magamit mo ang suporta ng iyong pamilya at mga kaibigan. Ang pagmumukmok mag-isa ay hindi maganda para sayo at maaari lang sayo nito na iparamadam na para kang dahan-dahan hinahatak pababa sa malalim na balon. Sa halip, tumawag ka ng kapamilya o di kaya naman ay kaibigan upang kunin ka muna. Hindi ito ang oras para mag-drive mag-isa, kaya naman tumawag ka ng magsusundo sayo kahit na saan kapa. “Ang pag da-drive habbang emotional ay masama, kung hindi man mas masama pa, kaysa nagmamaneho ng lasing” Martinez explained. “Hindi mo mabibigyang pansin ang iyong pagmamaneho at ang mga nakapaligid kaysa sa taong nakainom dahil ikaw ay sobrang distracted at, marahil, umiiyak pa.” Kung ikaw naman ay nagmamadali at hindi na makapag antay ng susundo sayo mas makakabuti kung tatawag ka nalang ng grab.

4. IIYAK MO LANG ANG LAHAT

Madalas natin iniisip na ang pag-iyak ay sign ng pagiging mahina at pilit natin tong iniiwasan, pero maniwala ka man o hinde, ang pag-iyak ay isang cathartic. “Hindi lang tayo umiiyak, ngunit nilalabas natin ang tensyon, at kadalasan ang sisi sa sarili na makakatulong saatin upang lumabas sa isang sitwasyon na mayroong realistikong  pananaw. Kaya naman ay umiyak ka,kumain ng chocolate at magsalita ng mga hindi maganda patungkol sa iyong partner sa iyong kaibigan at saka ka magmove on.

5. MAG EXERCISE

Ang pinaka-mabilis upang maging kalmado ang ating utak ay igalaw mo ang iyong katawan. Ang pag e-exercise ay tinutulungan ka na maging kalmado at sinusuportahan ka sa bigat na dinadala mo. Ang physical exercise ay nakakatulong upang ma release ang cortisol, stress na prino-produce ng hormones, at mai-release ang endorphins, ang iyong katawan ay makakaramdam ng mabuting hormones.

Malaraming salamat sa inyong pagbabasa sana ay nakatulong sa inyo ang artikulong ito.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here