5 Ways to Keep Your Husband Faithful

Ang pagtataksil ay isang choice – at gayon rin ang pananatiling matapat. Isa itong choice na ginagawa nang mga mag-asawa. Kahit iba iba ang kwento ng mga mag-asawa, iisa lang ang katotohanan para sa lahat: kapag naging tapat ka sa partner mo, ibig sabihin ay tinutupad mo ang mga pangako mo sa kanya noong kinasal kayo.

Para sa mga kababaihan, kahit sobrang saya na nang marriage ninyo, at tapat na kayo sa inyong relasyon, mas mabuti pa rin na faithful ang inyong samahan. Sundin lamang ang mga tips na ito para manatiling tapat ang inyong asawa sa inyo.

  • Tanggapin ang maaaring mangyari ang infidelity o pangloloko sa relasyon ninyo

Tanggapin mo na may kahinaan rin ang iyong asawa. Huwag maging sobrang confident at isipin na hindi ka na niya kayang lokohin. Ngunit hindi mo siya dapat laging awayin tungkol sa posibilidad na pwede ka niyang lokohin. Dapat ay mag-focus ka sa pagpapalago ng relasyon ninyo. Kapag tinanggap mo na mahina siya, mas mapapatibay ninyo pa ang inyong pagsasama.

Huwag kang maging complacent at huwag mo siyang i-take for granted. Pagsilbihan mo siya at mag-submit ka sa kanyang leadership sa inyong relasyon. Gustong nararamdaman ng mga lalake na sinusunod sila nang kanilang asawa. Dapat ay lagi mo siyang bibigyan ng rason para alagaan ka rin.

  • Umiwas kayo sa tukso

Huwag kayo maglaro sa apoy. Umiwas kayo sa emotional cheating at online flirtation na maaaring mag-lead sa malalang pangloloko.

Dapat ay open kayong dalawa sa pagbabago at hindi dapat kayo nagagalit

Kapag tinatama ninyo ang isa’t isa. Maging accountable dapat kayo sa inyong mga actions para maiwasan ninyo ang sisihan at bilangan ng mga mali.

  • Communicate

Gawin ninyong habit ang pag-express sa inyong nararamdaman. Sa pamamagitan nito, napapatibay ang pagsasama ninyo at mas nagiging malakas ang loob mong maging totoo sa iyong asawa.

Mag-create ka ng culture kung saan hindi kayo dapat nagtatago ng mga sikreto sa bawat isa. Maraming mag-asawa ang naghihiwalay dahil lamang hindi sila marunong mag-communicate.

  • Mag-dasal kayo tuwing gabi at gawing sentro ng pagmamahalan ninyo si Hesus

Importante na mag-focus kayong dalawa sa paglagay sa Panginoon sa sentro ng inyong pagmamahalan. Hindi ang kapalaran ang sasagot sa mga tanong ninyo sa pag-ibig: Si Hesus lamang ang makakapagpatibay sa pagmamahalan ninyo.

  • Dapat ay may commitment kayong pasayahin ang bawat isa

Huwag kang maging praning na asawa sa pamamagitan ng pagdidikta sa lahat ng ginagawa ng asawa mo. Dapat ay lagi mong iparamdam sa kanya na pinagkakatiwalaan mo siya at siya ang iyong bestfriend sa lahat ng pagdadaanan ninyo sa buhay.

Kahit pa tumanda kayo, mas titibay ang pagsasamahan ninyo kung naniniwala kayong mag-kaibigan kayo at hindi lang mag-asawa kahit anong mangyari.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here