17 Senyales na mayroon kang Diabetes

  1. Sobrang Pagkapagod – Okay lang naman ang makaramdam ka ng pagod kapag marami kang ginawa pero kung konti lang naman ang ginawa mo tapos sobra kang napagod, iyon ang problema.
  2. Palaging nagugutom at nauuhaw – Kung ang dami mo ng nakain tapos parang hindi ka pa nakakaramdam ng kabusugan, kailangan mo na talagang magpa-check up.
  3. Madalas umihi – Madalas kang umihi dahil itinataboy ng katawan mo ang sobrang glucose sa’yong katawan. Kaya, kung madalas ang pag-ihi mo, marami kang sugar sa katawan na kailangan talagang alisin.
  4. Mayroong yeast infection – Dahil sa marami kang sugar sa katawan, nakakaramdam ka ng pangangati sa paligid ng iyong sex organ.
  5. Nanlalata sa sex – Dahil sa diabetes hindi maganda ang performance ng lalaki sa sex. Nagkakadirensya kasi ang ugat at ang daluyan ng dugo kaya nahihirapang ‘tumayo’.
  6. Nanlalabo ang mga mata – Kapag kulang kasi ang tubig sa ating katawan, naapektuhan ang ating mga mata na nangangailangan ng sapat na tubig para makakita nang mabuti.
  7. Matagal gumaling ang sugat – Kapag maraming sugar ang katawan, mahihirapan talagang gumaling agad ang sugat.
  8. Namamayat – Kahit pa kumain ka nang kumain, kapag may diabetes ka ay papayat ka ng husto.
  9. Pagsusuka – kung sensitive ang iyong tiyan, talaga ngang magsusuka ka
  10. Namamanhid na paa o binti –  Nahihirapan kasing dumaloy ang dugo
  11. Namamagang gilagid – Humihina ang panlaban sa germs na nasa ating bibig.
  12. Mabahong hininga – Maari kasing pamahayan ng impeksyon ang ating bibig kaya kahit anong toothbrush ang ating gawin ay hindi nalalabanan ang bakterya na naroron lalo pa’t may sira ang iyong ngipin.
  13. Madalas magka-UTI – Masyadong maraming glucose sa’yong katawan
  14. Polycystic ovary Syndrome – Maaing hindi na magkaanak ang babaeng meron nito
  15. Nangingitim ang ilang parte ng katawan – Kalimitan matatagpuan ito sa leeg, batok, kilikili at singit ng isang tao. May kagaspangan din iyon kaya kung sa tingin mo ay kakaiba ang pangingitim ng ilang arte ng iyong katawan ay magpa-check up ka na
  16. Tuyung-tuyo ang iyong lalamunan – Ibig sabihin ay naubusan ka ng tubig sa katawan kaya importante uminom lagi ng tubig.
  17. Iritable palagi – kapag masama ang iyong pakiramdam ay talagang magiging bad mood ka

O, nararanasan mo ba ang mga ito?

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here