PARAAN UPANG MAHALIN KA NG IYONG ASAWA AT HINDI NA ITO MANGALIWA

Ang pangangaliwa ay malaking concern sa isang relasyon. Kung niloko ka na dati o umaasa na maiwasang hindi ito mangyari. Importanteng malaman mo kung bakit nagloloko ang mga lalaki at kung papaano mo mailalayo ang iyong mahal sa panloloko.

Karamihan sa mga lalaki ay nagloloko hindi dahil hindi ka na niya mahal. Ang mga lalaki ay nagloloko dahil gusto niya ng excitement sa kaniyang sex life.

Ang ilang lalaki ay nagrereklamo dahil na bo-bored. Gusto nilang maramdaman na sinasamba siya ng kaniyang partner. Nais niyang maging malaya. Pagod na siyang ma-disappoint ka.

Gusto nila ang kapartner na ilalagay sila bilang sentro ng kanilang buhay, at hindi na nila nararamdaman na prayoridad mo sila.

Minsan dahil ito sa hindi nila alam o naiintindihan ang way mo ng pagpaparamdam ng pagmamahal mo sa kanila, at ang ibang lalakiay mayroong natural na paniniwala na magkaroon ng madaming babae sa kanilang buhay dahil sa tingin nila ay kailangan nila ito sa kanilang buhay.

Anuman ang dahilan, ang mga lalaki ay may isang likas na pangangailangan upang maramadaman niya na nire-respeto at pinapahalagahan siya ng partner niya. Isa sa pinaka masakit para sa mga lalaki ang malaman na na-disappoint niya ang kaniyang partner. Gusto niyang maging hero mo.

Kaya naman, andito ang mga para upang mapanatiling in love sayo ang iyong mahal at mailayo siya sa pagloloko:

1. MAGING WILLING KA NA IKAW ANG MAUNANG MAGAYAW SA PAKIKIPAGTALIK nais ng mga lalaki ang pagtatalik. Tulungan mo ang iyong asawa na maramdaman na siya ay kanaisnais sa pamamagitan ng pagpaparamdam ng iyong pagmamahal sa pisikal na paraan.

2. SUMUBOK NG MGA BAGONG BAGAY. Makakatulong ito upang maging kumportable, ang takot sa hindi mo alam ay maaaring makahinto ng inyong pagiging open sa ibat-ibang sexual experiment.

Hayaan mo ang iyong mahal na sumubok ng bagong bagay kasama ka. Kung hindi ka sang-ayon don, magkakaroon ng ibang tao na papalit sayo.

Hindi ko sinasabe na makipagsex ka na parang hindi ka komportable ngunit hayaan mo ang sarili mong sumubok ng mga bagong bagay kasama ang lalaking mahal mo.

3. HUWAG MO IBIGAY LAHAT AT MASYADONG MAPAG-ALAGA

Minsan sa isang relasyon, ang mga babae ay masyadong accommodating. Ang mga lalaking pumapasok sa isang relasyon ay mayroon malinaw na litrato sa kanilang isipan ukol sa kanilang mapapangasawa. Ang mga babae ay nag-susumikap upang mapunan nila ang kagustuhan ng kaniyang partner, at minsan naman ay nakakalimutan na nila ang kanilang sarili. Isang araw, mare-realize ng iyong lalaki na ito ang kanilang hiniling ngunit hindi niya sigurado kung ito ba talaga ang kaniyang gusto.

Panatiliin mo ang pagibig saiyong sarili sa inyong relasyon.

4. HUWAG MO SIYA MASYADONG KONTROLIN.

Kadalasan hindi natin nare-realize, kapag pumapasok tayo sa isang relasyon sinusubukan natin na kontrolin ang isa sa atin na gawin kung ano ang mas makakabuti sa atin.

Gumagawa tayo ng mga bagay na nakakasira saating relasyon gaya ng pagrereklamo, pagsasalita ng hindi maganda, pagganti, at pagbabanta .

5. SIGURADUHIN NA ALAM NIYA NA KUNG GAANO MO SIYA NAA-APPRECIATE

Minsan ang mga babae kapag nakuha na ang guy at nakapah-pakasal na, nag uumpisa na silang makakuha ng isang maling kahulugan ng seguridad. Tadaan, lahat ng relasyon ay voluntary.

Ang isang tao ay maaaring umalis anumang oras. Sa laki ng gastusin ng divorce sa ating bansa, kailangan nating mapanatili ang positibong relasyon.

6. HAYAAN MO SIYANG MAGKAROON NG ORAS SA SARILI

Ang ibang lalaki ay nagloloko dahil nararamdaman nila na masyado na siyang nasasakal. Ang pagkakaroon ng kabit ay sa tingin niya na nagbibigay sa kanya ng freedom na nawala sa inyong relasyon.

Bigyan mo ng oras ang iyong lalaki ng wala ka. Wag mong subukan na sakupin ang lahat ng oras ng iyong mahal. Bigyan mo siya ng oras na makapag libang sa kanyang mga kaibigan, o kaya naman sa mga hobby niya kaya naman mararamdaman niya na may freedom siya

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here