MGA TIPS UPANG GUMANDA AT KUMINIS

Ngayon ay tuturuan namin kayong gumanda at bigyan kayo ng mga epektibong tips na makakatulong sa inyo upang ayusin ang inyong sarili at mas pagandahin pa ito. Makakatulong ang mga simpleng tips na ito upang mas maiaangat ang inyong kumpyansa sa sarili. Ituturo namin sa iyo kung paano alagaan ang muka o sarili.

Narito ang mga bagay na maari mong gawin

1. UMINOM KA NG MARAMING TUBIG uminom ka ng 8 hanggang 10 basong tubig at makikita mo ang pagkakaiba sa iyong balat sa loob lamang ng isa hanggang dalawang linggo.Ang tubig ay malaking tulong sa ating katawan, dahil inaalis at tinatanggal nito ang toksin at lahat ng dumi sa ating katawan. Ngunit , kailangan mo ring iwasang uminom ng alak, carbonated na inumin, sobrang matamis na inumin at ibang pang nakakasira sa iyung kalusugan at katawan. Mas maganda rin kung kumain ka ng mga masusustansyang pagkain gaya ng prutas at gulay.

2. IKALMA ANG IYONG SARILI AT HUMINGA NG MALALIM maganda para sa atin ang paghinga ng malalim o pag iinhale exhale dahil narerelax tayo dito at nakapagaalis ng pressure saatin. Nakatutulong ang oxygen hindi lang sa katawan kundi sa pagpapalinaw ng pag-iisip. Nakakabawas ito sa istres. Imbes na magalit na mapagpapakunot sa noo, pumikit ka na lamang at huminga.Kung nakatira sa siyudad na grabe ang polusyon, subukang bumiyahe sa probinsya para makapag-relaks at makahinga ng preskong hangin.

3. MAGHILAMOS NG DALAWANG BESES SA ISANG ARAW kailangan ay panatilihin natin ang ating muka na malinis ngunit hindi dapat sobra upamg hindi maalis ang mga natural na oil na kailangan ng ating balat. Gumamit ka rin ng facial wash na angkop sa iyong balat. Bagamat nakakatukso na maghilamos ng higit sa dalawang beses sa isang araw, hindi ito angkop at maipapayo dahil ang sobra at madalas na paglilinis ng mukha ay magdudulot ng pagka-dry ng iyong balat.

Maglagay rin ng mga moisturizers at sun screen upang maprotektahan ang iyong balat sa init at iba’t ibang pollutants.

4. MAGDAMIT KA NG MAAYOS AT MATUTONG MAG STYLE dapat ay matuto tayong manamit ng maayos dahil malaki ang epekto nito sa ating itsura.Kung ikaw ay magiging malikhain, maraming style ang maaaring gawin sa iisang damit. Pwede itong tuck-in, front-tuck, o hindi naman ay loose. Maari rin itong ibagay sa denim skirt o kaya sa pantalon. Maghanap ka ng mga ideya sa internet para magabayan ka sa mga magandang color combination at iba pang mga paraan.

5. ITAAS MO ANG IYONG TIWALA SA SARILI. Maging mapagmahal ka sa iyong sarili at tanggapin kung anong meron ka.Ang tunay na kagandahan ay magsisimula sa iyong sarili kaya magkaroon ka ng tiwala sa iyong sarili. Ito ang pinakamahalaga sa lahat. Lahat ay binigyan ng iba’t ibang likas na katangian. Wala doon ang nakahihigit kaysa sa iba kaya ang pinaka-mabisang paraan kung paano maging maganda ay maging confident at mahalin ang katawan na ibinigay sa iyo.

Maraming salamat sa inyong pagbabasa. Wag nyong kalimutang magkomento    

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here