Ang Magandang Benepisyo ng Tubig at Asin

Ayaw man nating magkasakit pero hindi laging maganda ang ating pakiramdam. Hindi naman kasi tayo robot kaya para rin tayong cellphone na nalo-lowbat kahit sinasabi natin na ayaw nating magkasakit.Talagang dumarating ang panahon na hindi tayo makagulapay sa ating higaan dahil masama ang timpla ng ating katawan dahil sa sipon, pananakit ng lalamunan, ngipin at gilagid.

Sa panahon ngayon na may lockdown, hindi tayo basta-basta makakapunta sa dentista kung nananakit ang ating ngipin o pumunta sa doktor. Maaari naman tayong bumili ng gamot pero gagastos pa tayo ng husto. Samantalang may mabisa namang gamot na makanlalaban sa sakit na nararamdaman natin. Ang kailangan lang natin ay tubig at asin.

Kung masakit na masakit ang lalamunan mo, kailangan mo lang namang maglagay ng mainit-init na tubig sa isang tasa at tunawin doon ang kalahating kutsaritang asin, haluin saka ka magmumog. Kapag nagawa mo ‘yan ay siguradong gagaan ang iyong pakiramdam. Mawawala kasi ang pamamaga ng iyong lalamunan.

Bukod sa tonsillitis, makakatulong din ang pagmumumog ng tubig at asin kapqg  ang nananakit ng iyong ngiin at nagdurugo ang gilagid mo. Makakatulong din ito para mawala ang lagnat at sipon mo. Paano ba naman kasi, ang bakterya na nakadikit sa lalamunan mo ay maglalaho.

O, mag-gargle ka kapag masama ang iyong pakiramdam, okay?

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here