PAANO MAPABILIS ANG PAG-HABA NG BUHOK

Nakakainis mag-hintay ng napakatagal bago humaba ang iyong buhok. Ang internet ay napakaraming suggestion para mapabilis ang pag-haba ng buhok mo, ngunit sa tingin ko  ang pinaka madaling unang hakbang ay ang pag da-diet. Ang simpleng adjustment ay maaaring gumawa ng malaking pagbabago.

1. IWASAN ANG PAG SHA-SHAMPOO ARAW-ARAW. Maliban nalang kung ang buhok mo ay sobrang oily, ang madalas na pag sha-shampoo ay maaaring mapinsala ang  iyong buhok. Ang pag sha-shampoo tuwing makalawa ay hinahayaan ang iyong katawan na mailabas ang natural na oil para ma condition ang iyong buhok.

            ~Maari mo ring ikonsidera ang paggamit ng scal treatment upang makatulong na panatilihin ang iyong hairfollicles na malinis. Makakatulong rin ito upang panatilihin ang iyong buhok na malusog.

2. GUMAMIT NG CONDITIONER. Kapag gumamit ka ng shampoo, siguraduhin na gagamit ka ng conditioner. Ang hair conditioner ay tumutulong upang ibalik ang mga oils na natanggal dahil sa paggamit mo ng shampoo. Siguraduhin na natanggal mo na lahat ng shampoo sa buhok mo bago gumamit ng conditioner.

3. BANLAWAN ANG IYONG BUHOK NG MALAMIG NA TUBIG. Pagkatapos mong magbanlaw ng shampoo at conditioner, banlawan mo ang iyong malinis na buhok gamit naman ang malamig na tubig. Nakakatulong ang malamig na tubig upang panatilihin na masikip ang iyong hair follicle. Nababawasan nito ang mga buhok na nalalagas tuwing ikaw ay maliligo.

4. BAWASAN ANG PAGGAMIT NG INIT AT PAGKULAY NG BUHOK. Ang paggamit ng init o pangkulay sa buhok ay makakasira sa iyong buhok. Subukan mong babaan ang amount ng heat na ginagamit mo sa iyong buhok at hayaan mo lang ang buhok mo na matuyo dahil sa natural na hangin. Gumamit ng sponge o di kaya naman ay velcro roller kaysa sa hot roller. Limitan mo ang pagkukulay ng buhok mo at gumamit ka ng shampoo para sa may kulay ang buhok upang mabawasan ang pagkasira nito.

5. MAINGAT NA SUKLAYAN ANG BUHOK. Gumamit ng malapad na suklay at dahan-dahan itong isuklay sa iyong buhok. Makakatulong ito upang matanggal ang buhol sa iyong mga buhok ng hindi nalalagas ang iyong buhok. Kapag kasi hindi ka maingat at maling suklay ang iyong ginamit ay magiging rason ito upang numipis at maglagas ang iyong buhok.

6. MAG TALI NG BUHOK NG MAAYOS dapat ay kung magtatali ka ng buhok ay hindi dapat masyadong mahigpit dahil maari itong magresulta na maputol ang ilang hibla ng iyong buhok at makakasira rin ito ng iyong buhok. Mas maganda kung nakababa lamang mo ito talian at huwag mo itong masyadong higpitan.

7. IMASAHE MO ANG IYONG ANIT ang pagmamasahe ng regular sa iyong anit ay makakatulong sa mabilis na paghaba ng iyong buhok. Makakatulong kasi ito upang mag sirkula ang dugo sa iyong ulo ng maayos

Maraming salamat sa inyong pagbabasa sana ay nagustuhan nyo ang artikulong ito. Kung mayroon pa kayong alam na mga bagay na maaring gawin sa mabilis na paghaba ng inyong buhok ay huwag nyo itong kalimutan ikoment upang makatulong rin sa iba. Kung may katanungan ka naman o kumento ay ikoment mo lamang ito at agad naming sasagutin. Sana ay nagustuhan nyo ang artikulong ito

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here