PAANO MAALIS ANG IYONG PEKLAT NG MABILIS

Maaring mababa ang self confidence mo at hindi ka masyadong nakakapagsuot ng mga damit na gusto mo sanang suotin dahil sa mga peklat mo. Ang mga bagay na gusto mong gawin halimbawa ng pagbibiki at pag dedress ng mga magaganda ay hindi mo magawa dahil nahihiya ka sa iyong peklat wala ka namang dapat ikahiya rito ngunit hindi rin naman masamang tanggalin ito upang makatulong sa pagtaas ng ating confidence. Kaya naman narito kami upang ibahagi ang aming mga kaalam at niresearch na makakatulong sa inyo upang maalis at bigyang sulusyon ang inyong nararanasan.

Narito ang mga maari mong gawin.

1. GUMAMI KA NG SHEA BUTTER O KAYA NAMAN AY COCONUT OIL – mainam ito kung ang iyong peklat ay nanggaling o resulta ng hiwa o paso mas mainam kung pananatilihing moist ito at nakatakip. Gumamit ng raw shea butter at all natural coconut oil para mapanatili itong moist at hindi magpeklat. Maaari rin itong gamitin kahit magaling na ang sugat para unti-unting mabawasan ang appearance ng peklat.

2.GUMAMIT NG LEMON Ang lemon kasi ay naglalaman ng alpha hydroxy acid (AHA) na tumutulong upang alisin ang mga patay na balat, tinutulungan ang mga bagong selula na lumago, at ibalik ang ilang pagkalastiko sa balat. Bilang natural na pampaputi, makakatulong ito na mabawasan ang peklat.

Maglagay ka lamang ng lemon juice derekta sa iyong peklat hayaan mo ito ng 10 minuto doon at banlawan mo ito ng malamig na tubig.

3. GUMAMIT KA NG ALOE-VERA gumamit ka ng aloevera makakatulong rin ito upang alisin ang mga patay na balat sa iyong katawan o peklat.Maaari ring bawasan ng aloe vera ang pamamaga, tulungan ang pagkumpuni ng mga napinsalang balat, at palakasin ang mga bagong selula.

Ang aloe vera ay matatagpuan sa maraming anyo kabilang ang gel, ointment, at lotion. Ilapat at i-massage ang aloe vera nang direkta sa peklat maraming beses sa isang araw.

4. GUMAMIT KA NG VITAMIN E

Ang vitamin E oil ay may antioxidant na nakakatulong na pantanggal peklat. Meron din itong moisturizing property na nakapagpapanauli ng sigla sa balat at nakatutulong upang maisaayos ang nasirang balat. Napapabuti din ng paggamit ng vitamin E oil ang itsura ng peklat.

Una ay kumuha ka lamang ng capsul at butasin ito at ang oil sa loob nito ay ipahid mo lamang sa iyong peklat at iwan mo ito rito ng 15 hanggang 20 minuto.

5. GUMAMIT KA NG HONEY

Maglagay ng honey sa peklat. Takpan ito ng benda o kapirasong tela sa magdamag. Kinabukasan, hugasan ito ng maligamgam na tubig. Ulitin ito bago matulog sa gabi.

Pwede mo namang subukan ang paghilod ng honey na may asukal. Imasahe ito sa balat na may peklat sa loob ng ilang minuto. Hugasan ito ng maligamgam na tubig pagkatapos. Patuyuin at maglagay ng moisturizer.

Maraming salamat sa inyong pagbabasa. Sana ay nakatulong sa inyo ang artikulong ito kung mayroon kayong tanong o mga iba pang alam na paraan kung paano alisin ang peklat ay ikomento nyo na ito

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here