Mga Kabutihang Dulot ng Pagkain ng Hipon

Para sa mga babaeng nais pa rin magmukhang bata kahit nasa kuwarenta na atas, kailangan ninyong basahin ang artikulong ito.

Una, malalabanan nito ang pagtanda. Hindi man natin magagawang ipagkaila ang tunay nating edad pero sa paningin ng lahat, higit kang babata. Ang hipon kasi ay mayroong astaxanthin, isang antioxidant na nakakabawas ng epekto ng ultraviolet rays na nakakapagpapatanda.

Pangalawa, nakapagpapatibay ng buto. Punung-puno kasi ito ng magnesium, calcium at phosphorus na maganda sa ating buto.

Pangatlo, nakapagpapatalino. Dahil sa iron na matatagpuan din natin sa hipon ay mas mag-i-improve ang ating memorya at konsentrasyon. Dahil dito, magagawa nating makapag-isip ng mabuti.

Pang-apat, mapapanatili mong malusog ang iyong buhok. Mayroon kasing zinc ang mga sea foods kaya mananatiling makapal ang iyong buhok kung palagi kang kumakain ng hipon.

Panlima, nakapagpapayat. Mayroong Vitamin D at protein ang hipon kaya kung diet ka talaga, mas maiging ito ang kainin mo. Gayunman, kailangan mo rin siyempreng umiwas sa carbohydrates.

O, gusto mo ba talagang magmukhang bata kahit may edad ka na? Kain ng hipon.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here