Mga Dahilan Kaya Nahihirapang Umihi ang Babae

  1. Urinary Track Infection (UTI) – Sobra kang mahihirapang umihi kapag mayroon ka nito. Mabaho at mabula-bula ang iyong ihi kapag mayroon ka nito. Kaya, dapat ay umiwas sa pagkain ng maaalat dahil baka lumala pa ang itong karamdaman.
  2. Kidney Stones – Kapag may sakit ka sa bato, makikita mong may kulay pink na nakahalo sa ihi mo. Ibig sabihin noon, masyadong nagagasgas ang kidney mo kaya nagsisimula na ang pagdugo noon. Huwag mo itong balewalain. Kailangan ay kumonsulta ka agad sa espesyalista.
  3. Yeast Infection – Makakaramdam ka ng sobrang pangangati kaya makakaramdam ka ng sobrang pagkairita. Tiyak ng buong araw kang nahihirapan sa’yong sitwasyon tapos kapag umihi ka pa ay sobrang baho. Kaya, mas maigi kung maglalagay ng feminine wash para mamatay din ang bakterya na nasa paligid lang ng puwerta mo.
  4. Allergy – Kung hindi hiyang sa’yo ang ginagamit mong sabon, itigil mo na ang paggamit sa produkto na iyan. Mas lalala lang ang angangati at sakit na iyong nararamdaman.

Bilang babae, hindi mo dapat ababayan ang iyong sarili. Kailangan ay manatili kang healthy lalo na kung mayroon kang pamilya. Baka kasi, maging dahilan pa ‘yan para maaga mo silang iwanan.

O, siguro naman ay hindi mo gugustuhing mangyari iyon, di ba?

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here