8 Senyales na Hindi na Naakit sa Iyo ang Iyong Asawa at Kung Paano ito Mabibigyang Solusyon

Kung ikaw ay kasal o kaya naman ay nasa long term relationship na. Maari mapansin mong minsan ay gustong gusto ka niya at interesadong interasado siya sa iyo ngunit minsan ay hindi na. O kaya naman ay hindi na siya kagaya ng dati na gustong makipag sex palagi ngunit ngayon ay parang wala na siyang interes sa iyo na napapaisip ka nalang na ” parang hindi na nagagandahan o naaakit sa akin ang asawa o nobyo ko” dapat ay bigyan mo ito ng atensyon dahil baka may mali ng nangyayari.

Na para bang routine nalang ang nangyayari sa inyo uuwi siya maghahanda ka ng pagkain papasok, uuwi, papasok, uuwi na parang wala ng pagibig at kilig sa inyong relasyon.

O baka naman ay nagoover think ka lamang.

Narito ang mga senyales na hindi na siya naakit sa iyo.

1. LAGI SIYANG UMAAYAW maging totoo na tayo, minsan kapag nasa mood ka at inaya mo siyang makipagtalik o sex at umayaw siya ay okay lang, tao lang tayo at hindi lahat ng oras ay nasa mood tayo para sa ganoong bagay. Ngunit kung napapadalas na ito at halos palagi nalang ay umaayaw siya ay mayroon ng problema, maari itong senyales na nawawalan na siya ng interes sa iyo.

2.) WALA NA SIYANG GANA SA SEX halimbawa ay maglalabing labing kayo maaring hindi na siya masyadong nadadala para tumayo ang kaniyang ari. Hindi lamang ito sumesenyales na nawawalan na siya ng gana sa inyong relasyon kundi sumesenyales ito na nawawalan na siya ng interes sa iyo. At kung dumating sa punto na naitanong mo na sa iyong sarili kung i teresado pa siya sa iyo ay maari ngang nagkakaroon na ng problema ang inyong relasyon.

3. PAGSASARILI

Normal na normal lang sa mga lalaki ang nagsasarili kahit pa magkasama na kayo o nagsasama na kayo paminsan minsan . Ngunit kung napapadalas na ito at mas gusto niya nalang magsarili kaysa makasama ka maaring mayroon ng mali dahil ang ibig sabihin lamang nito ay hindi na siya interesado sa iyo at hindi na siya na eexcite sa iyong pagtatalik. Ngunit tingnan mo parin ang inyong sitwasyon dahil masasabi mo naman kung normal lang ba ito o hindi.

4.) LAMBINGAN naaalala mo pa ba nung mga simula nyong halos ayaw nyong mahiwalay sa isat isa at lagi kayong magkasama ngunit ngayon ay imbes na mabawasan lamang ay para bang nawala na ito? Na parang umiiwas siya at naiirita pa. Normal lang naman na mabawasan ito ngunit dapat ay tingnan mo ng mabuti ang inyong sitwasyon dahil maaaring hindi na normal at iniiwasan ka na talaga niya.

5.) TINGNAN MO ANG IYONG KATAWAN baka naman ay napabayaan mo na ang iyong katawan at hindi ka na nagaayos, maaring isa ito sa dahilan kung bakit hindi na siya naaakit sa iyo. Masasabi mo naman ito kapag tumingin ka sa salamin mahalin mo rin ang iyong sarili.

6.) PAGBABAGO NG PAGUUGALI kung matagal na kayo at tila ba hindi ka na niya tinuturing na kapartner at kung iturin ka niya ay parang tropa nalang o kapatid ay tingnan mo kung may problema na. Normal lang naman na maging komportable kayo sa isat isa ngunit masasabe mo pa rin ang pagkakaiba ng komportable at hindi ka na tinitignan bilang kaniyang kapareha. Baka may nangyayari ng hindi maganda sa inyong relasyon.

7.) LAGI SIYANG IRITA AT GALIT normal lang naman na minsan sa ating relasyon ay may araw o linggo na irita tayo. Ngunit kung napapansin mong saiyo lang siya iritable at palagi nalang siyang ganito ay baka oras na upang umaksyon ka at alamin ang problema.

8.) NARARAMDAMAN MONG PARANG MAY MALI

Kung sa palagay mo ay parang mali na sa inyong relayon ay aksyonan mo na ito at kausapin siya mas maganda kung mas maaga upang mas maging malaki ang tiyansa na ma bigyang solusyon nyo ang nangyayari sa inyong relasyon.

Paano ito masusulusyunan?

Tignan mo at suriin ano nga ba ang sa tingin mong mali. Kung halimbawa ay tingin mo na maaring katawan mo ang inaayawan niya o kaya naman ay baka losyang ka na o kahit pagligo ay hindi mo na nagagawa ay gawin mo ito at magaayos ka ng iyong sarili. Kung maari ay magbawas ka ng kaunting timbang kung sa tingin mo ay napabayaan mo na ang iyong katawan o kaya naman ay maligo ka araw araw lalo na pagdarating siya at makakasama ka. Sanayin mo rin ang iyong sarili na magayos at ibalik ang dati mong ganda, dapat ay mabango at at magsuot ng maayos na damit. Kausapin mo siya sa bagay na ito na sa tingin mo ay nawawalan na siya ng interes sa iyo upang masagot ang iyong tanong kung ano nga ba ang problema ng sagayon ay mas maging madali itong solusyunan iyon ang magandang gawin kung ginawa mo na ang lahat ngunit subukan mo ring magsuot ng mga lingerie at akitin siya mga bagay na hindi mo ginagawa maari itong mag dagdag ng excitement sa inyong relasyon at ibalik ang dating init nito.

Maraming salamat sa inyong pagbabasa wag nyong kalimutang magkomento kung ano ang tingin nyo sa artikulong ito. May mga alam ka pa bang bagay na maaring gawin upang malaman at masulusyunan ang kawalan ng interes ng iyong asawa sa iyo kung ganon ay ikomento mo na ito. Sana ay nagustuhan nyo ito

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here