Paano Mambasted ng Taong Importante Sayo

Paano na ‘to, na-inlove ang kaibigan mo sa yo, at nakikita mo na sa actions niya na talagang liligawan ka niya at all costs. Ang problema, kaibigan lang talaga ang tingin mo sa kanya. Paano na ang gagawin mo sa ganitong sitwasyon?? Read on.

Hindi mo mapipigilan ang kaibigan mo dahil talagang nahulog na siya sayo at gagawin niya lahat para maipakita niya sayo na importante ka sa kanya. Importante din siya sa buhay mo pero hindi mo ma-imagine na maging partner mo siya. Importante rin para sa yo ang friendship ninyo at ayaw mong masira ito para sa romantic love niya para sayo. Ano na ngayon ang gagawin mo? Basahin ang tips na ito at sana ay makatulong ito sayo.

1. Sabihin mo sa kanya lagi na importante sayo ang friendship ninyo

Maging honest ka sa kanya at huwag mo na i-sugarcoat yung mga sasabihin mo. Let him know na priority sayo ang pagkakaibigan ninyo dahil doon kayo tumagal. Huwag mo na paliguy-liguyin ang mga gusto mo sabihin sa kanya para hindi na rin siya umasa. Importante para sa mga lalake ang honesty. Baka kasi kapag iniba iba mo pa ang sasabihin mo ay makakuha siya ng ibang signals and messages.

2. Tell him straight up na hindi ka interested sa relationship with him

Maging genuine ka at aminin mo sa kanya na hindi mo siya gusto, pero mahal mo siya na parang kapatid mo. Make it easy for him to understand. Bigyan mo rin siya ng time na i-absorb ito, pero as much as possible, avoid conversing about it with him, para makalimutan na rin niya yung idea na pwede kayong magkaroon ng romantic love for each other.

3. Huwag mo siya paasahin

Mas mahihirapan siya kapag pinaasa mo pa siya by being sweet with him. Kailangan iwasan mo muna siya dahil kahit anong gawin maaaring mas mahulog lamang siya lalo para sayo.

4. Be mature about it. Malamang nasasaktan din siya kaya wag mo na dagdagan yung sakit

Kapag nagpapakita pa rin siya ng advances with you, turn him down every single time. Kailangan maintindihan niya at maramdaman niya na hindi ka talaga interesado sa kanya.

5. Ipakita mo na mahal mo siya bilang kaibigan kahit ano mangyari

Let him know na kaibigan lang mao-offer mo sa kanya at ipaintindi mo sa kanya na kung gusto niya tumagal ang friendship ninyo dapat ay iprioritize niya ito kahit anong mangyari.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here