PAANO TUMANGKAD NG MABILIS SA LOOB LAMANG NG DALAWANG LINGGO

Maaring lagi kang inaasar na maliit o kaya naman ay aadyang maliit ka talaga at gusto mong patangkarin ang iyong sarili ngunit hindi mo alam kung paano. Ayaw mo ring gumastos ng malaki at kahit anong vitamins at gamot ang inumin mo ay wala paring nangyayari. Binababa nito ang iyong confidence sa sarili at nililimitahan ang mga opurtunidad na maari kang magkaroon gaya ng mga trabaho. Pwes, narito kami upang tulungan kang tumangkad ng mabilis na hindi gumagastos ng malaki.

Narito ang mga maari mong gawin:

1. MAGEHERSISYO KA.Ang pag-eehersisyo ay nakakapagpalakas ng katawan, lumalaban sa obesity, at humihikayat sa development ng muscle. Kasabay nito, ang pisikal na aktibidad ay nagpapalakas ng development ng growth hormone at maaaring magbunga ng hindi lang malakas ngunit malalaking buto rin.

2. MAGKAROON KA NG SAPAT NA TULOG Matulog nang sapat, araw-arawang growth hormone na ginagawa ng katawan habang natutulog at kung kulang sa tulog, maaaring hindi maaabot ang potensiyal na tangkad. Ito ay makakatulong upang makagawa ng maayos at makapagfunction ng maayos ang ating katawan. Inaalagaan ng pagtulog ang ating kalusugan at malaki ang tulong nito at parte sa ating pagtangkad. Kaya kung mahilig kang magpuyat ay tigilan mo na ito dahil maaring ito ang rason ng hindi mo pagtangkad.

3. ISAAYOS ANG PUSTURA NG ATING KATAWAN Napakahalaga rin ang tamang posture habang nakaupo at nakatayo. Kailangan ay deretso ang ating likod para hindi makuba at maging pandak. Maari rin kasing makaapekto ito sa ating pagtangkad o kaya naman ay i bend nitoang ating likod na parang kuba na isang dahilan kung bakit hindi tayo matangkad ay dahil imbes na straight dapat ang ating buto ay nabend na ito dahil sa pustura natin kapag nakaupo. Pinipigilan rin kasi nito ang ating pagtangkad at gumagawa ng mga bagay na maaring magpakumplikado sa ating paglaki at maayos na pag porma ng ating mga buto.

4. KUMAIN NG HEALTHY AT MAAYOS ang pagiging masinop sa ating kinakain at pagiwas ng mga pagkain na nakakasama sa katawan na maaaring magdulot ng pag udlot ng paglaki ng height. Kumain ng healthy na pagkain para umayos ang metabolism ng katawan na nagbibigay tulong din para sa pag papatangkad ng height.

5.GENES maaring sa pamilya nyo na ito, kung ganoon nga ang sitwasyon ay mahihirapan kang magpatangkad ng walang tulong ng mga doktor dahil mas komplikado at mas mahihirapan kang mas maging matangkad dahil ito ay nasa lahi mo na ngunit huwag mawalan ng pagasa dahil marami ng nagbago sa teknolohiya at siguradong matutulungan ka ng mga gamot at mga bagay na ibibigay ng doktor siguradong effective ito at safe.

Maraming salamat sa inyong pagbabasa. Sana ay maynatutunan kayo at nakatulong sa inyo ang artikulong ito. May alam ka pa bang mga bagay na makakatulong sa mabilis na pagtangkad? O ka naman ay may katanungan? Wag ka ng magdalawang isip at magkomento ka na dahil makakatulong rin ito sa iba. Sana ay nagustuhan nyo ang artikulong ito

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here