Mga Hindi Dapat Kalimutan Sa Pagpapaganda

Sa panahon ngayon,napakamahal na ang magpaganda.Kaliwa’t  kanan ang nagsusulputang mga produkto para kuminis ang iyong mukha, pumuti ang kutis, gumanda ang balat at kung anu-ano pa. Napakarami na ring produkto para sa iyong mga labi, ilong, pisngi, kilay at maging pilikmata. Ang lahat ng bahagi ng ating katawan ay kaya nang baguhin ng siyensya. Marami na rin ang mga naglalabasang inumin tulad ng mga tea at coffee na ngakapagpapaganda naman ng hubog ng ating katawan. Sa kabila ng lahat ng ito, meron tayong mga hindi dapat kalimutan kaugnay sa ating pagpapaganda at ito ay ang mga sumusunod.

1.Paghihilamos- Isang simpleng gawain na madalas ay nakakalimutan na nating gawin lalo na kung ikaw ay mula sa nakaka-stress na trabaho. Dahil sa sobrang pagod ay hindi mo na magagawang maghilamos ng mukha at magpapahid ka na lang ng kung anong facial cleanser na pinagkakatiwalaan mo. Ang hindi mo alam, mahalaga pa rin na mahugasan ng tubig at sabon ang iyong mukha para sa pagtatanggal ng dirt na nakuha mo mula sa labas. Kailangan mo lang magpahinga saglit pagkagaling sa labas bago ka maghilamos upang hindi mapasma ang iyong mga mata. Matapos hugasan ang mukha bago matulog ay saka mo na maaring gamitin ang anumang pamahid mo sa mukha upang mas higit na maging effective ito sa’yong skin.

2.Sapat na tulog- Hindi sapat na panay pahid mo lang sa iyong mukha, mahalaga pa rin na nakukumpleto mo ang tulog na kailangan ng iyong katawan. Habang ikaw ay natutulog, makakadaloy ng maayos ang dugo sa iyong katawan. Ang magandang resulta nito ay magrereflect sa iyong mukha at balat. Iwas wrinkles at eyebags kung ikaw ay iiwas sa pagpupuyat.

3.Maraming tubig- Kung pangangalaga rin lang sa katawan at pagpapaganda ang pag-uusapan, pinakanatural na ang pag-inom ng tubig. Kilala ito bilang pinakasafe na paraan para sa magandang kutis. Tumutulong ang tubig sa pagtatanggal ng dumi sa ating katawan na nagiging sanhi ng pagpangit ng ating balat. Makakaiwas din tayo sa mga pimples, wrinkles at iba pang sakit sa balat kung magiging palagian ang pag-inom natin ng tubig at kung agad nating mapapalitan ang tubig na nawawala sa atin sa bawat oras.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here