Anong Gagawin Mo Kung Tinutulak Ka Na Niya Palayo?

Ang pag-ibig sa isang tao ay kadalasang mas mahirap kaysa sa mga pelikula na napapanood natin. Sure, kung minsan mayroon tayong romantikong gabi na may mga magarbong hapunan at regalo, ngunit hindi iyan talaga ang pag-ibig. Iyan lang ang materyal na bagay. Ang pag-ibig ay tungkol sa paggugol ng panahon ng sama-sama, pagbabahagi ng iyong buhay sa iyong kapareha, at pagiging doon para sa isa’t isa kapag ang masasamang (at mabuti) ay nagaganap.

Kapag ikaw ay nasa isang matagal na relationship at sinisimulan na nilang hindi ka pansinin, maaari itong maging talagang mahirap na harapin. Maaari kang mapuno ng mga negatibong damdamin at magtataka kung nagkamali ka o kung hindi ka magandang kasintahan o asawa.

Ang katotohanan ay pagdadaanan ninyo talaga yan as a couple. Kapag nakikipag-away ka sa isang tao na iyong minamahal, nakakalungkot ito, siyempre, ngunit may ilang mga bagay na maaari mong gawin upang i-save ang iyong relasyon.

Basahin ang 5 steps na ito para malaman kung paano mo haharapin ang pagtutulak sayo palayo ng partner mo.

1. Kailangan niyang malaman na nandyan ka lagi para sa kanya

Let him know na hindi ka lalayo kahit tinutulak ka niya papalayo. Iparamdam mo sa kanya na kaya ninyong harapin ang mga problema ninyo in a mature way at hindi ninyo kailangan mag-away. Communication is very important. Dapat mag-usap kayo kahit anong mangyari. Encourage him to open up more instead of dismissing things that come your way. Ask him how he feels. Don’t be afraid to know the truth.

2. Focus on the little things

Paglutuan mo siya, at sendan ng sweet text messages para mas ma-appreciate niya ulit yung kung paano kayo noon. Huwag ka matakot mag-try ng new things para mas ma-excite din kayo sa relasyon ninyo. Baka kasi nawala lang ang excitement at spice sa inyo kaya siya nawawalan ng gana.

3. Mag-plano ka ng “Date Nights”

Be creative and plan on a date night with him. Sa inyong date, magkaroon kayo ng deep conversations para mas ma-extract mo sa kanya ang mga totoong nararamdaman niya. Baka napapagod lang siya sa work o sa life in general.

4. Pray for your relationship

Always pray, before you eat and before you sleep. Huwag makalimot sa Panginoon. Dapat sa kanya naka-focus ang relasyon ninyo para mas may direction kayo. Kapag hindi, puro selfish desires lang ang meron kayo. At mas iisipin ninyo lang lagi ang mga temporary things sa buhay.

5. Sabihin mo na ipaglalaban mo ang relasyon ninyo kahit anong mangyari

Kung may pinagdadaanan ang boyfriend mo na hindi mo maipaliwanag, sabihin mo sa kanya na lalaban ka at dapat ay lumaban kayong dalawa para malagpasan ninyo lahat ng problema na dumarating sa buhay ninyo. Kung ayaw na niya lumaban, let him know na napapagod ka rin at mas gugustuhin mo na maging malaya siya kaysa mag-stay sa isang relasyon na bound to be painful.

Comment down below what you think about this article.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here