KALAMANSI

May scientific name na Citrus microcarpa, ang kalamansi o calamansi ay native sa Pilipinas. Maliit lamang ang puno nito na may maliliit ding mga dahon. Ang bulaklak nito ay kulay puti habang ang bunga naman ay kulay berde at bilog. Kilalang kilala ang kalamansi sa ating bansa gayundin sa mga kalapit na bansa gaya ng China, Taiwan, Borneo at Sulawesi.Kilala rin ang kalamansi bilang sangkap na pampalasa sa ating mga pagkain tulad ng pansit, pangat na ulam at mga sawsawan. Ang Kalamansi ay nagtataglay ng aldehydes, beta-pinene, linalool, linelyl, sesquiterpenes, acetate, tannin, glucoside, cyanogenetic, at vitamin C. Dahil sa mga sustansya at kemikal na ito kaya ang kalamansi ay may malaking posibilidad na maging mahusay na herbal. Ang mga sumusunod ay ang mga karamdaman na maaaring malunasan nito.

1.Alam na alam na nating lahat na ang kalamansi ay epektibong panlunas sa taghiyawat. Hihiwain mo lamang ito at direktang ipapahid sa iyong taghiyawat ang katas. Pinupuksa ng matapang nitong katas ang mikrobyo na nagiging dahilan ng pagtubo at pagdami ng ating taghiyawat.

2.Mabisang gamot din ang kalamansi kung tayo ay may ubo at sipon. Ginagawa itong juice para inumin. Ang iba ay pinahahamugan muna ito bago inumin dahil mas nagiging epektibo raw ito kung ito ay mahahamugan. Ang iba naman ay pinipiga ang katas sa isang kutsara at saka paiinitan sa kalan, kapag mainit na ay saka ito iinumin.

3.Marami ring gumagamit ng kalamansi bilang pampaputi at pampakinis ng balat. Maaaring gawin ang pagpapahid ng katas ng kalamansi  sa buong katawan bago maligo. Ibabad lamang muna ito sa katawan ng ilang minuto bago banlawan. Pwede rin itong gawin bago matulog. Huwag lamang kalimutan na banlawan din ito bago tuluyang matulog.

4. Katas din ng kalamansi ang mainam panggamot kung ikaw ay may sore throat.

5.Nakakatulong din sa pagpapababa ng altapresyon ang pag-inom ng pinaglagaan ng dahon ng kalamansi.

6.Kung may tao naman na biglang nahimatay, ang kalamansi ay magagamit sa pagpapabalik ng malay nito. Pisilin lang ito at itapat sa ilong ng nahimatay.

FOLLOW US ON FACEBOOK

https://www.facebook.com/Filipina-Proud

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here