PARAAN UPANG MAKUHA ANG MAPUTING NGIPIN

Maari kang gumastos ng 15 thousand hanggang 50 thousand para magpaputi ng iyong ngipin at iba pa dito ang mga ilalagay mong produkto araw araw. Ngunit alam mo bang may mga paraan pa bukod sa paggastos ng napalaking pera? Wag kang magaalala dahil hindi mo kailangan gumastos ng napakalaki para lamang paputiin ang iyong ngipin dahil narito ang mga maari mong gawin.

1.) GUMAMIT KA NG BAKING SODA ang baking soda ay makakatulong upang alisin ang mga mantya na dulot ng iyong mga kinakain sa iyong ngipin na nagiging dahilan upang manilaw ito. Karaniwan ding ginagamit ang baking soda bilang sangkap sa mga toohpaste upang makatulong sa pagpapaputi ng ngipin at paglinis nito. Ang baking soda ay makakatulong din upang protektahan ang iyong ngipin sa mga bacteria na maaring mamuhay rito dahil gumagawa ito ng alkaline sa iyong bibig na tumitigil para mamuhay ang mga bacteria sa iyong bibig. Hindi ito agaran kaya naman ilang linggo o araw ang aabutin upang mapansin mo na pumuputi na ang iyong ngipin.

Mas maganda kung sasamahan mo ng baking soda o isasawsaw ang toothbrush mo na may toothpaste sa baking soda , kaysa ang paggamiĆ¾ ng isa lamang sa kanila, mas mataas o mas marami ang baking soda na ilalagay mo ay mas malaki ring epekto. Haluin mo lamang ang baking soda at toothpaste at maari mo na itong gamitin o kaya naman ay maglagay ka ng toooth paste sa iyong toothbrush at isawsaw mo ito sa baking soda. Gawin mo ito ilang araw sa isang linggo depende sa kung gaano ka sensitive ang iyong ngipin.

2.) GUMAMIT KA NG HYDROGEN PEROXIDE nakakatulong din ang hydorgen peroxide upang malinis aat mapaputi ang iyong ngipin. Kaya nga ilang taon na itong ginagamit panlinis ng sugat dahil sa kakayanan nitong maglinis. Mas maganda rin kung gagamitin mo ito aksama ang toothpaste. Mabibili mo ito sa mga drug store o botika basta mas maganda kung 3% solution lamang ang bibilhin mo at haluan mo ito ng tubig halimbawa ay dalawang kutasang peroxide ang iyong gagamitin ay haluan mo rin ito ng dalawang kutsarang tubig at gawin mo itong mouthwash o pang mumumog. Maari mo rin itong gamitin kasama ang baking soda ngunit wag dapat itong gaqin masyado dahil maari nitong sirain ang iyong gums. Ayos na ang isa hanggang dalawang beses sa isang linggo.

3.) GUMAMIT KA NG APPLE CIDER VINEGAR ginagamit ang apple cider vinegar upang maglinis at magpatay ng bacteria. Ito ay mayroong anti bacterial property. Kung gagamitin mo ito bilang pampaputi ng iyong ngipin ay gaya ng hydrogen peroxide ay daoat na limitan mo rin ang paggamit nito dahil maaring masira nito ang iyong gilagid. Haluan mo lamang ang apple cider vinegar ng tubig at maari mo na itong gawing pang mumog. Tatlong kutsarang apple cider at tatlong kutsarang tubig dapat ang parte ay 1:1. Maari mo itong gawin isa hanggang dalawang beses sa isang linggo.

4.) KUMAIN KA NG PRUTAS AT GULAY makakatulong ang mga ito upang alisin ang mga yellow stains sa iyong ngipin gaya nalamang ng pagkatain ng mga malulutong na gulay ito ay makakatulong upang alisin ang mga nakasiksik sa iyong ngipin habang kinakagat mo ito at kinakain ay sumasama ang mga tirang pagkain na naiwan sa iyong ngipin dito. At sa prutas naman makakatulong ang strawberry at pinya upang paputiin ang iyong ngipin ang acid kasi sa mga prutas na ito ay makakatulong upang paputiin ang iyong ngipin maari mo itong ikiskis sa iyong ngipin isaw saw sa baking soda at ikiskis sa iyong ngipin o kaya naman ay kainin lamang. Kung isasawsaw mo ito sa baking soda ay magandang limitan ang paggamit nito dahil sa mataas na acid na tinataglay ng mga prutas na ito.

5.) IWASAN MO NA ANG PANINILAW NG NGIPIN BAGO PA ITO MAGANAP maraming mga pagkain ang malaki ang nagiging epekto at nagmamantya sa ating ngipin, dahilan upang manilaw ito gaya nalamang ng kape, softdrinks at red wine. Hindi naman dapat ay wag mo na itong kainin basta ay limitan mo lamang ang pagkain ng mga ito halimbawa ay nakain mo na ito mangyaring mag sipilyo ka kapagkatapos itong kainin ang asukal rin ay isa sa mga sumisira at nagpapadilaw ng ating ngipin kaya dapat ay limitan rin natin ang pagkain nito.

Maynakalimutan ba kaming agay na sa tingin mo ay paraa upang mapaputi ang iyong ngipin? Ikomt mo na ito para naman makatulong rin sa iba. O ka naman ay may katanungan kang hindi nasagot? Ikomento mo lamang ito at agad namin itong sasagutin. Sana ay nagustuhan nyo at nakatulong sa inyo ang artikulong ito. Maraming salamat sa inyong pagbabasa

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here