PAANO SASABIHIN SA IYONG CRUSH NA GUSTO MO SIYA NG HINDI KAYO MAIILANG SA ISA’T ISA PAGKATAPOS

Kung hindi siya mawala sa isip mo, kinikilig ka kapag nakikita sya o kaya naman ay bumibilis ang pagtibok ng puso mo, o basta ay alam mong crush mo siya at gusto mo siya ay narito kami upang tulungan kang magtapat ng pagibig sa kaniya na hindi kayo magkakailangan pagkatapos. Normal lang naman na kabahan pagdating sa pagtatapat ng iyong pagmamahal kaya naman ay ituturo namin sa inyo kung paano magtapat ng hindi masisira ang inyong relasyon.

MAG-BIGAY NG ILANG PAHIWATIG

               Kung feeling mo masyado kang kinakabahan na sabihin ang nararamdaman mo, subukan mong mag-bigay pahiwatig sa iyong crush at tignan natin kung mag re-respond siya dito. Makipag eye contact, tuksuhin mo siya ng pabiro, o kaya naman landian mo ang pag te-text sa kanya. “Makakatulong ito upang mailabas ang naiipong pressure at mamotivate ang iyong crush na ikonsiderang makipagrelasyon sa iyo” -Sullivan

MAGKARON NG KUMPYANSA

               Ito ay madaling sabihin kaysa gawin, ngunit ang kumpiyansa at kalinawagan ay makakatulong upang makagawa ng kakaibang conversation sa iyong crush. “Walang pinanganak na expert dito, ” sinabe ni Sullivan. “Kahit pa ilagay ng mga pinakamagagaling sa pakikipag date ang kanilang sarili dito ay may posibilidad na ma reject parin sila.”

GAWIN MONG MADALI ANG MGA BAGAY PARA SAKANILA

               Lagi mong isipin na kahit na ang gusto mo maging maganda ang magiging resulta, posible rin na hindi tanggapin ng iyong gusto ang iyong nararamdaman para sa kaniya. Sa totoo lamang, masakit ma reject, ngunit isa rin itong pagsubok para sa inyong dalawa. Kaya naman kung magsasabe ka ng feelings, wag mong iparamdam sa kanya na kailangang niya agad mag respond. ” Isipin mo na ang taong sinasabi mo ay may sariling obligasyon sa kanyang nararamdaman,” -Sullivan. ” Gumawa ng conversation na maipaparamdam mo sa kaniya na mayroon siyang choice na gawin ang mas makakabuti sa kaniya.”

SIGURADUHIN MO NA IKAW AY KOMPORTABLE

               Panigurado ikaw ay sobrang busy kakaisip na kung papaano siya hindi makakaramdan ng pag ka weird, kaya sobrang importante na ikaw ay komportable. Kung kumportable ka naman sa texting, gawin mo yon.

Ang pagtatapat ng pagibig sa cellphone ay makakatulong upang hindi masyadong gulat at mabigyan siya ng sapat na oras upang makapagisip ng maayos ng hindi masyadong napepressure sa iyo at mas makakapagisip ng isasagot niya sa iyo.

ISIPIN MO ANG MARARAMDAMAN MO KUNG HINDI MO ITO SASABIHIN SA KANIYA isipin mo na ang iyong gusto ay lumipat at pumunta sa napakalayong lugar, pagsisisihan mo bang hindi mo ito sinabe sa kaniya? Sabi nga ng iba kapag tayĆ² ay matanda na at pinagninilaynilayan ang mga desisyon sa buhay karaniwan ay ang pinagsisisihan natin ay hindi ang mga bagay na ginawa natin kundi ang mga bagay na hindi natin ginawa. Pagnilayan mo at isipin kung sasabihin mo ba ito bago pa mahuli ang lahat.

TIGNAN MO ANG BUONG LITRATO dapat ay hindi ka lamang tumitingin sa kung paano ay ireject ka niya. Ano naman kung ireject ka niya? End of the world na ba at least ay napakawalan mo na ang nararamdaman mo at hindi ka magtatago sa salitang ano kayang mangyayari kung magtatapat ako. Mas maganda ito dahil nalagpasan mo na ito at mas magiging malakas ang iyong loob. At least, nalaman mo ang gusto mong malaman at maging magkaibigan nalamang linawin mo ito sa kaniya na okay lang at wala paring magbabago sa inyong dalawa kung sakaling hindi niya ikokonsidera ang nararamdaman mo.

May natutunan ka ba sa artikulong ito? Kung oo ay ikoment mo iyan o kaya ay nagustuhan mo ito. Kung may alam ka pang mga paraan ay ikoment mo lamang ito upang makatulong sa iba. Kung may katanungan ka naman ay magreply ka pang at agad namin itong sasagutin.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here