PAANO MAKIPAG DATE KAHIT NAG SOCIAL DISTANCING?

Hindi man ngayon ang tingin mong tamang panahon makipagdate dahil nga hindi ka makalabas ng bahay ay hindi ito problema. Maaring namimiss mo na ang pakikipag halubilo at magpunta sa mga dates upang makakilala ng bagong taong maari mong maging kabiyak. Maari mo parin naman itong gawin dahil mataas na ang kakayanan ng ating teknolohiya. Narito ang mga maari mong gawin.

GAMITIN MO ANG ORAS NA ITO UPANG MAKABUO NG EMOTIONAL CONNECTION para bang walang pagasang makipag date sa panahon ngayon dahil sa nararanasan nating pandemic at malay ba naten kung kailan mo makikitang muli ang iyong manliligaw, ngunit may benepisyo rin ang setup na ito. Ngayon ay maraming mga tao ang nasa dating apps at mga gumagamit nito kaya naman gamitin mo ito upang makahanap ng potensyal na kapareha. Marami kang mahahanap na potensyal na partner kaya naman ay mabilis ka lamang makamomove on sa kanila dahil marami ka namang mapagpipilian. Marami kang makakasalamuhang ibat ibang uri ng tao kaya naman ay mahahasa rin ang skills mo sa pakikipagusap. Ngunit dapat ay wag mong masyadong isipin na maraming kang pagpipilian dapat ay mag invest ka parin ng emosyon at ng iyong sarili sa isang tao na sa tingin mo ay nakakuha ng iyong interes, wag mong isipin ito bilang larolaro lamang.

Kung ang iyong crush ay hindi mo makausap sa personal dahil para bang may tinik sa iyong lalamunan na pumipigil sa iyo upang kausapin siya ay ito na ang iyong tyansa, simulan mo ito sa simpleng pangangamusta sa kaniyang kalagayan at mga nangyayari sa inyong paligid. Maaring ang panahon na ito na ang tyansang ibinigay sa iyo upang paglalimin ang relasyon nyong dalawa at mas maging close kayo. Malaki ang tyansa na rereplyan ka niya dahil walang masyadong ginagawa ang mga tao bukod sa kanilang cellphone kaya igrab at kuhanin mo na ang tyansang ito upang subukan ang kemistri nyong dalawa, malay mo ay mauwi pa kayo sa pakikipagrelasyon. Mas makikilala nyo ang isat isa dahil maraming mga bagay kayong mapaguusapan at maraming oras ang nakalaan sa inyo.

GAMITIN MO ANG ORAS NA ITO UPANG MAPRACTICE ANG SKILLS MO SA PAKIKIPAG LANDIAN dapat ay marunong kang makipag landian para naman hindi awkward ang paguusap mo ng iyong nais o kaya naman ay crush. Magpractice ka kung paano makipagusap o kaya naman ay simulan ang pakikipagusap sa isang tao. Humanap ka ng mga salitang maari mong sabihin gaya ng mga banat na hindi corny. Kung paano mo siya sasabihan ng papuri na hindi ka nagmumukang desperado. At bumanat ka ng mga nakakakilig na banat humanap ka ng mga banat na hindi gasgas o iyong gamit na gamit na.

MAGING MALIKHAIN KA SA PAKIKIPAG DATE kung ikaw ay nakikipagusap na sa iyong crush at napupunta na ito sa magandang destinasyon. Isearch mo lamang “virtual date” o kaya naman ay “netflix party” na maari kayong manood ng isang pelikula habang nakikita nyo ang isat isa. O kaya naman ay maari kayong mag dinner o kumain habang naka video call. Kung mahilig naman kayo sa art ay mayroong nga online museum na maari nyong tignan. Meron ding mga live concert ang ginagawa ng ibat ibang banda. Hindi porket nasa bahay lang tayo ay wala na tayong magagawa, maging malikhain ka lamang at maraming mga exciting na bagay ang magagawa nyo.

Maynatutunan ba kayo na artikulong ito? Kung meron ay ishare nyo ito sa inyong mga kaibigan. Meron pa ba kaming mga bagay na nakalimutan o hindi nailagay ay ikomnt mo lang yan para malaman at makatulong din sa iba. Maari karing magkomento kung may katanungan ka tungkol sa atikulong ito. Sana ay nagustuhan nyo ang artikulong ito.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here