Paraan upang paputiinang singit, kilikili at siko

Hindi naman lahat ay biniyayaan ng maputing kili kili siko o tuhod. Ang ilan kasi satin ay maaring mayroong mga nagawang bagay na dahilan upang umitim ito gaya ng paglumbaba na paraan upang madikit ang ating siko sa magaspang na bagay at kaya naman nagiging maitim ito at pati na rin sa ating tuhod, sa kili kili naman ay maaring sanhi ng pagkikiskisan ng balat at mga deodorant na ating gagamitin. Ngayon ay ituturo namin sa inyo ang mga paraan upang mabilis at siguradong mapaputi ang maitim na bahagi ng iyong katawan.

1. GUMAMIT KA NG KALAMANSI O LEMON ang kalamansi at lemon ang isa sa pinaka nangungunang natural na produkto na ginagamit sa pagpapaputi ng balat.Kumuha ka lamang ng kalamansi o lemon at isawsaw mo ito sa baking soda na mabibili mo rin sa palengke sa halagang 15-20 pesos lang at ilagay mo ito sa parte ng iyong katawan na gusto mong paputiin. Ikuskos mo ito ng paikot ng 10 minuto bago banlawan.

2. TURMERIC ang pampalasang ito ay ginagamit ng mga taga asya bilang pampaputi gaya nalang ng mga indiana. Nakakabahala man ang madilaw na kulay na nito ay malaki naman ang matutulong nito sa iyo at hindi ka naman nito pagmumukaing kwekwek paghaluin mo lamang ang isang kutsarang turmeric powder at kahit anong uri ng mantika . Ilagay mo lamang ito sa parte ng iyong balat na nais mong paputiin at i massage mo ito sa iyong balat ng ilang minuto at banlawan mo ito ng maligamgam na tubig pagkatapos ay banlawan mo ulit ng malamig na tubig. Maari mo itong gawin tatlong beses sa isang linggo para sa magandang resulta.

3.ALOE VERA hindi masyadong nabibigyan ng pansin ang halamang ito kahit na napakadali nitong alagaan at napakaraming gamit ng halamang ito. Maari mo itong gamitin sa paso, pampakapal ng buhok ,pampalambot at pampaganda, at pati narin sa pagpapaputi. Kuhanin mo lamang ang laman nito sa loob na parang gel at ipahid mo lamang ito sa mga parte ng iyong katawan na gusto mong paputiin gaya ng siko,singit at tuhod. Pagkatapos ay iwan mo lamang ito rito ng 20 minuto at banlawan ng maligamgam na tubig. Gawin mo ito ng dalawa hanggang tatlong beses sa isang linggo.

4.BAKING SODA malaki ang matutulong nito sa iyo maari mo itong gawin isa hanggang dalawang beses sa isang linggo depende sa iyo kung sa tingin mo ay kaya naman ng iyong balat . Paghaluin mo lamang ang tubig at baking soda hanggang sa makakuha ka ng texture na parang tooth paste at ipahid mo lamang ito sa parte na nais mong paputiin ngunit hindi ko ito ipinapayong ipahid sa singit dahil manipis lamang ang balat sa parteng ito at mabilis itong mairita. Tinatanggal nito ang mga tuyo at patay na balat iwan mo lamang ito ng 10 hanggang 15 minuto at banlawan.

5.OLIVE OIL ang olive oil ay makakatulong upang alisin ang mga tuyong balat at mga crack na balat mo dahil i momoisturise nito ang iyong balat at iiwan itong malambot. Painitin mo lamang ang mantikang ito ngunit hindi masyadong mainit na mapapaso na nito ang iyong balat. Bago ka matulog ay ilagay mo ito sa parte ng katawan na gusto mong paputiin at maari mo itong iwan nalamang gawin mo ito ng dalawa hanggang tatlong beses sa isang linggo.

6.) OATMEAL SCRUB kumuha ka lamang ng oatmeal at durog durugin mo ito hanggang sa magmuka itong pulbos pagkatapos ay maglagay ka ng dalawang kutsarang honey at ilagay ito sa parte na iyong katawan na gusto mong paputiin at iwan mo ito ng 2 minuto at pagkatapos ay imassage mo ito sa iyong balat ng 10 minuto bago banlawan fawin mo ito ng 2 hanggang 3 beses sa isang linggo.

Maraming salamat sa inyong pagbabasa, may mga bagay pa ba kayong alam na makakatulong upang paputiin ang mga maiitim na parte ng katawan? Pwes ikoment mo na ito para naman makatulong sa iba. Maytanong ka ba o gustong linawin na bagay mag koment ka lamang at sasa gutin namin yan sana ay may natutunan ka sa artikulong ito                                                        

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here