Paano maibsan ang PMS

Ang ating hormone ay pabago bago sa tuwing nalalapit na ang ating kabuwanan kaya naman nagdudulot ito ng ibat ibang mga bagay na di natin gustong maramdaman gaya ng pananakit ng dibdib, pananakit ng puson, palaging gutom, pagiging malungkotin at mainitin ang ulo.

Narito ang mga maari mong gawin upang maibsan at mabawasan ang mga nararamdaman mong hindi komportable tuwing makakaroon ka na.

1. KUMAIN KA NG MGA BAGAY NA ITO ang pagkain ng mga bagay na ito una ay ang

PAGMAING MATAAS SA CALCIUM ang calcuim kasi ay may therapeutic theraphy na talaga namang makakatulong upang maibsan at mabawasan ang mga sintomas ng PMS. Sinabi kasi sa isang pagaaral na ang mga babaeng kumakain ng mga pagkaing mataas sa calcium ay mas mababa ang tyansa na makaramdam ng mga ito at karamihan sa mga ito ay hindi ganoon ka tindi ang nararanasan.

Narito ang mga pagkaing mataas sa calcium na maganda makakatulong sa iyo.

– Dairy products

-sesame seeds

– Almonds

– mga Leafy vegetable gaya ng malunggay at spinach.

2.) ANG IYONG DIET

Ang pinaka mahalagang dapat mong baguhinsa iyong kinakain ay ang paglilimita sa iyong sarili o pagiwas sa mga pagkaing mataas sa sugar o mga matatamis na pagkain. Maiiwasan mo ang paglaki ng iyong tiyan at pananakit ng suso.

Makakatulong rin ang pagiwas at pagbabawas sa paginom ng soft drinks at kape.

3.) PAGEEHERSISYO

Ang regular na pageehersisyo ay makakatulong upang maiwasan at mapababa ang sintomas ng pms maari mong gawing ehersisyo ang pag siswimming, jogging, o kaya naman ay pagbibike makakatulong ito upang pataasin ang endorphin at dopamine at nakapagbibigay rin ito ng positibong enerhiya na makakatulong upang makakuha tayo ng maayos na pagtulog.

4.) PAGRERELAX

Ang pagrerelax sa pamamagitan ng paghinga ng malalim, pagyoyoga at mga bagay na makakapag parelax sa iyo ay magiging malaking tulong upang maibsan ang pms. Maari mo ring ilabas ang lahat ng iyong emsyon dahil makakatulong ito upang maiwasan ang strss at maayos ito. Sa pamamagitan ng pagrerelax ay napapababa nito ang mga sintomas na iyong nararamdaman. Hindi lamang ito sa iyong PMS makakatulong at maging sa iyong balat at kalusugan.

5.) PAKIKIPAG TALIK isa pa itong maari mong gawin upang maiwasan ang PMS maari mo rin itong gawin kahit mayroon kang buwanang dalaw hindi ito makakasama at makakabuti pa ito para sa iyo.

Salamt sa inyong pagbabasa sana ay may natutunan kayo

 Mayroong mga bagay pa ba kaming nakalimutan? Pwes ikoment mo na yan sa baba para makatulong ka naman sa iba at maari karing makomento kung may katanungan ka na nais mong sagutin.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here