10 TIPS NA MAKAKATULONG UPANG MATALO ANG PAG KA ADDICT SA SELPON

Ang selpon ay talaga nga namang nakakamangha, ngunit kung ang iyong lola ay sinabihan ka na itigil muna ang pagseselpon sa hapag kainan, siguro ay kailangan mong makinig sa kanya.

Ang pag-kaadik sa selpon ay totoo. Madalas natin sinisilip ang ating selpon kahit na tayo ay nakikipag-usap, nagtatrabaho, naglalakad, nag da-drive, kahit na alam naman natin na hindi naman kailangan. Hindi lang talaga natin mapigilan! Pero alam mo kung ano ang sinasabe nila: kung alam mong naaadik kana sa selpon ito ang unang step upang maayos ito, congrats dahil nabasa mo ito. Ito na ang 10 tips upang matalo ang pagka-adik sa selpon, maibalik ka sa totoong mundo.

WAG MONG GAMITIN ANG IYONG SELPON HABBANG NASA KAMA.

               Ayon sa pag-aaral ang pag-gamit ng selpon habbang nasa kama ay hindi magandang umpisa, Dahil ang blue light ay nakakasira sa hormones ng iyong pagtulog. Kaya ang unang step upang matanggal ang pag ka adik mo sa selpon ay gawin cellphones free zone ang iyong kama/kwarto. Seryoso, para na rin sayong kalusugan. Ang mga unang gabi ay talaga namang mahirap, pero di kalaunan ay masasanay ka rin.

GUMAMIT NG TOTOONG ALARM CLOCK

               Nakakatuksong kuhanin ang iyong cellphone, kapag ka gising, lalo na kung lagi mo na itong ginagawa. Alisin mo ang tuksong ito at bawasan ang posibilidad na makapagcellphone sa pamamagitan ng pagbili ng totoong alarm clock

KAPAG KAKAIN AY ALISIN MO ANG CELLPHONE

               I-challenge mo ang iyong sarili na hindi gumagamit ng selpon. Sanayin ang sarili na makipag-usap ng personal sa kaibigan o ka pamilya sa loob ng isang oras o higit pa. Wag kang mag che-cheat kung meron man na minention ka sa nakakatuwang litrato, hayaan mong  i-describe niya ito sa pamamagitan ng salita.

I-TURN OFF MO ANG IYONG NOTIFICATION

               Walang notification ibig sabihin walang rason upang silipin ang selpon.

BURAHIN ANG MGA HINDI NAMAN KAILANGAN NA APPS

               Malaki ang posibilidad na karamihan sa mga apps sa iyong cellphone ay hindi mo naman kailangan. Isipin mo kung gaano ka ka-productive kung hindi mo chicheck bawat segundo ang iyong facebook, twitter,  o kaya naman Instagram.

GAWIN MONG KOMPLIKADO ANG PASS

Tatamarin kang i-check ng icheck yang cellphone mo kung komplikado ang password nito wag mo itong gawing pattern o pin dapat ay password na may ibat ibang simbol, numero at mahabang salita. Magiging hassle itong icheck para sa mga message o kung ano man lalo na kapag kakagising mo pa palamng sa umaga. Gawin mo ito kahit pa mainis ka, dahil masasanay ka rin at kapag sanay ka na ay maari mo na itong baguhing muli.

Sana ay may natutunan kayo sa pagbabasa ng aritikulong ito. Kung kayo ay may komento o mga alam pang bagay na makakatulong sa iyo at sa iba upang maalis ang attensyon sa cellphone ay ikomento mo na ito upang makatulong rin sa iba. At kung may katanungan ka naman ay wag kang mahiyang magkomento sa baba dahil sasagutin namin yan maraming salamat sa inyong pagbabasa

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here