Sulusyon sa mabahong hininga

Kung mabaho ang iyong hininga maaring mababa na ang iyong confidence at hindi ka masyadong makapagkapwa tao dahil nga sa nahihiya ka at na seself concious sa amoy ng iyong hinga. Wag kang magalala dahil narito kame para sa iyo sundin mo lamang ang mga hakbang na ito upang mapanatiling malinis at mabango ang iyong hininga:

1. MAG SIPILYO KA AT GUMAMIT NG DENTAL FLOSS ang mga tingatinga at mga nabubulok at naipong dumi sa iyong ngipin ang maaring dahilan kung bakit mabaho ang iyong hinga.

Mag sipilyo ka ng iyong ngipin dalawang beses sa isang araw at mag floss upang matanggal ang mga naipon sa pagitan iyong ngipin. Ngunit huwag naman sobra sobra dahil masisira nito ang iyong ngipin at mas madali itong mabubulok.

2. BANLAWAN MO ANG IYONG BIBIG maliban sa pagpapabango ng iyong hininga, ang mouth wash ay nakakapag protekta at nakakalinis rin sa iyong ngipin. Ngunit siguraduhin mong ang makukuha mong mouth wash ay iyong nakakapatay ng mga bacteria na nakakapagdulot ng bad breath. Maganda rin kung ang kukuhanin mong flavor ay iyong mint. Ngunit wag naman puro mouthwash lang dapat ay mag toothbrush at mag floss karin upang tuluyan ng mawala ang baho ng iyong hininga. Araw araw kang mag mouthwash at siguradong maalis na nito ang sanhi at ang iyong mabahonh hininga.

Maari ka ring magmumog ng tubig pagkatapos mong kumain dahil aalisin nito ang mga naiwang pagkain sa iyong bibig.

3.) MAGKUSKOS KA NG IYONG DILA. Ang mga naiipong bacteria sa iyong dila ang kadalasang sanhi ng mabahong hininga. Upang maalis ito, kuskusin mo lamang ang iyong dila gamit ang iyong sipilyo.

Kung masyadong malaki ang iyong sipilyo upang maabot ang dulo ng iyong dila, subukan mo ang scraper, ginawa ito upang alisin ang mga bacteria sa iyonf dila. Inaalis nito ang bacteria, tirang pagkain, at mga dead cells na hindi kayang alisin ng sipilyo.

4.) IWASANANG MGA PAGKAING NAGDUDULOT NG MABAHONG HININGA ang sibuyas at bawang ay isa sa mga pagkaing nakakapagpabaho ng hininga, ngunit kahit magsipilyo ka pagkatapos ay naroroon parin at naiiwan parin ang amoy nito

Naiiwan kase ang amoy nito sa dinadaluyan ng ating pagkain at kapag tayo ay humihinga ay nasasama ang amoy nito sa paglabas ng hininga natin.

Wag mo itong kainin o kung hindi mo talaga maiiwasan ay limitan mo nalamang ang pagkain nito.

5.) ALISIN MO ANG TOBACCO SA IYONG KATAWAN bukod sa sanhi ito ng cancer at sakit sa baga, naaapektuhan rin nito ang iyong hininga at kalusugan ng bibig.

Iwasan mo na ito kung nahihirapan ay maari kang humingi ng tulong sa mga eksperto upang matigil na sa paggamit nito.

6.) IWASAN MO ANG PANGHIMAGAS ang mga bacteria sa ating bibig ay gumagawa ng acid sa pamamagitan ng mga asukal na nakukuha natin sa pagmain ng matatamis.

Marami ka bang natutunan sa artikulong ito? Sana ay nagustuhan nyo ang article na ito. May alam pa ba kayong paraan upang maiwasan ang mabahong hininga o kaya naman ay may katanungan? Pwes, wag nyong kalimutang mag komento at sasagutin namin yan

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here